Saturday, September 12, 2009

My LOVE

I search for YOU deep within my heart
But I found out nothing except lonesomeness

HANDA KA NA BA?




Let me sing to you the chorus of a song where I pondered my thoughts:
NASA TABI KO ANG PANGINOON Salmo 139
(Fr. Benny Justiniano)

Koro: Alam kong nasa tabi kita
Panginoon ko sa lahat ng oras
kamay mo ang s’yang nag-iingat sa ‘kin
di ko maabot karunungan mong angkin.

Dito ko po sisimulan ang dalawang kwento? Gaano po ba antin kakilala ang Diyos? Sino po ba ang Diyos sa ating buhay? HANDA NA BA KAYO?

Ang kwento po ay kwento ng isang ina at kwento ng isang ama.

Mayroong isang babae at isang lalaki na simple lang ang mga pangarap. Nagsisimba sila tuwing lingo at gumagampan sa kanilang tungkulin bilang Kristiyano. Ika nga ay walang maipipintas sa kanila. Tangi nilang hiling ay magkaroon ng asawa at mga anak na aarugain nila. Ang kanilang mga panalangin ay dinidig ng Diyos. Pinagkalooban sila kapwa ng mga asawang tinatangi. Anopa’t naging masaya ang kanilang mga pagsasama. Biniyayaan sila kapwa ng malulusog na supling. Walang pagsidlan ang kanilang kaligayahan. Puno ng pasasalamat sa Diyos ang kanilang puso. Sa pangyayaring ito’y mas lalong umigting ang kanilang pagkapit sa Diyos.

Isang araw, sa panahon ng kagampanan ng babae sa kanyang anak ay pumalaot ang kanyang asawa sa dagat upang mangisda. Kumabog ang kanyang dibdib sa balitang namatay ang kanyang asawa. Ayaw paniwalain ng kanyang isipan ang pangyayaring ito ngunit ang katotohanan ay kailangan niyang harapin. Tumingala siya sa langit at nanalangin. Habang ang mga luha’y nanunulay sa kanyang mata’y naiusal niya, “Panginoon, ano man po ang krus na aking dadalhin.Susunod ako sa iyo sapagkat di ko talos ang iyong karunungan.” Binuhay niya ang kanyang mga anak at tumayong ama at ina.

Gayun naman ang asawa ng lalaki ay nagkaroon ng cancer sa ovary. Nagtrabaho siya ng higit pa sa kaniyang kailangang gawain para kumita ng higit sa pangangailangan nila at para maihandog sa asawa ang lahat ng kanyang makakayanan. Anopa’t halos pasanin na niya ang mundo. Mga kabarkada niya ay halos kantiyawan na sya. Sa kabila nito ay patuloy pa rin siyang nagsisilbi sa simbahan at pagtalima sa paglilingkod. Namatay ang kanyang asawa at laking paghihinagpis niya. Sa pangyayaring ito ay naiusal niya, “Ano man ang mangyari ay patuloy pa rin akong mananalig sa iyo.” Binuhay niya ang kanyang mga anak at tumayong ama at ina.

Ito po ay mga kwento ng pagsunod sa Diyos. Mga kwento ng pagtalikdan sa sarili upang maging matatag sa hamon ng pagtalima sa Diyos. Sa hamon ng pagiging tunay na ama at ina. Ang tanong ay handa po ba tayo sa ganitong uri ng pagsunod? Handa po ba nating harapin ang hamon ng pagkilala sa Diyos na ating sinasamba? HANDA KA NA BA?

Kung pag-aaral nating mabuti ang mga pagbasa.Sinasalamin po ng unang pagbasa ang daranasin ng Mesiyas sa propesiya ni Propeta Isaias. Tila walang pagsisidlan ang dusang daranasin nito. Ang panlilibak at pang-aalipusta ng tao. Sa ebanghelyo naman ay ipinakilala si Hesus bilang Mesiyas at Anak ng Tao na magbabata ng ibayong hirap at pighati gayon na rin ang kamatayan para sa sala ng tao. At ang sinomang sa Kanya’y sumunod ay nangangailangang talikdan ang sarili at pasanin ang kanyang pamatok. Ipinapakita rin na ang pag-iisip ng Diyos ay hindi natin piho.

Ang ebanghelyo ay nagpapaalala sa atin kung paano natin dapat kilalanin ang Mesiyas. Sa pagtanggap natin sa Anak ng Tao ay pagtanggap rin sa kahihinatnan natin bilang mga tagasunod Niya. Hindi natin dapat sukatin ang paglilingkod at pagtalima sa Diyos sa abot ng ating isipan kundi sa kung ano ang nasa ng Diyos sa atin. HANDA BA nating harapin ang mga ito? Ang dalawang kwento ay pagsasalarawan ng buhay na pasan ang krus subalit nanatiling matatag dahil batid nila ang pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos. HANDA BA tayo? Sa na tulad din sa awitin ay kumapit tayo sa Diyos ng may pagtitiwala at kahandaan…At mabatid na nasa tabi natin ang Diyos…nagmamahal at kumakalinga…

KUNG AKO AY IIBIGIN MO


Kung ako ay iibigin Mo
Halughugin Mo ako sa siwang ng aking diwa
Taluntunin Mo ako hanggang lalim ng aking kaibuturan
At siyasatin ako sa hulmahan ng aking kahapon at ngayon

Kung ako ay iibigin MO
Higitan Mo ang pagkakalilok ng aking katawan
Sa mga sulyap kong nanunuot pilit sa langit Mong taglay
At siphayuin ako sa hiwaga ng aking lumbay

Kung hangad Mong ako ay ibigin
Languyin Mo ako hanggang sa aking himaymay
Bihagin Mo ako hanggang sa aking kaluluwa
Doo'y katagpuin ako sa aking pagpapubaya't walang kamuwangan

Isang pagsuyong lipos ng ligaya at tuwa
Malayang tulad sa pagaspas ng hangin ang pag-ibig Mo
Na may pagsasalong banal at dakila
Walang pagkukunwaring iaalay Mong lahat ito sa akin

Kung ako ay iibigin Mo
Ihahandog Mong lahat ang Iyong puso at dangal
Ako ang Iyong kaganapan at wala ng iba pa
Upang sabay tayong tutulay sa tula at awit ng PAG-iBig na wagas

Friday, September 11, 2009

ANG AKING LAHI






Pinanariwa ang pagkatao sa kanyang pinagmulan
Pinatitibay ang kalooban sa dugong pinagsaluhan
Bagamat may kahinaan sa marupok na sandaigdigan
Ang tahanan pa rin ang mukha ng aking katotohanan

Mga magulang at mga kapatid ay mga biyayang tunay
Sinasalamin ang kalooban at kaangkinang taglay
Hindi man hinulma sa nasang ibig na kulay
Ito pa rin ang dahilan ng pagpapatuloy ng buhay

Ang aking lahi, ang aking tahanan
Yurakan man at alipustahin ng mundong maalam
Patuloy ko pa ring ipagsisigawan kahit saanman
Minamahal ko ang lahing aking pinagmulan

I WILL CONTINUE MY JOURNEY BECAUSE I BELIEVE



When the dark has no end

When even a single shadow doesn’t show

I will continue my walk even if I experience pain

Because I believe that there is light at the end of it

When the desert is hot and no place to hide

When there is no water to quench my thirst

I will continue the journey till nowhere

Because I believe that there is a fountain of life in the midst of it

When the mountain is high and so hard to climb

When the treks are dangerous even if I use safety gadgets

I will continue what I had started and face all the risks

Because I believe that there is joy once I reach its peak

When the mountain is high and so hard to climb

When the treks are dangerous even if I use safety gadgets

I will continue what I had started and face all the risks

Because I believe that there is joy once I reach its peak

When the tide is high and no one dares to swim

When the depth of the ocean is inviting death

I will continue to search the mysteries beneath it

Because I believe that the world is wonderful the way it was created

When path to holiness is difficult to follow

When I choose that way, I will find abandonment

I will continue to move on even it is a crucial decision

Because I believe that REAL HAPPINESS is waiting for me at the end of the road

I will continue my life no matter how risky it is

Because I believe that there is Someone who loves me and will love me continuously

No matter how many times I failed

I will continue my journey because I believe in GOD!

SA PALAD MO, AMA!

Our humble house and my parents.

















Mahirap daw magkwento. Ang pagkukwento ang isang bagay na napakirap gawin sapagkat iba-iba ang mga nagiging reaksyon ng tao. May naniniwala, nanghuhusga at nanlilibak. Sa kabila nito ay gusto ko pa ring ikuwento ang aking buhay. Maaring kapulutan ng aral at maaring pagtawanan. Sabi nga ng isang paring Karmelita na si Fr. Anton Hooglan, “Your life is so boring!”. Boring man na matatawag ay gusto ko pa ring magbahagi. Ito ang isa sa nagbibigay sa akin ng inspirasyon para magpatuloy mabuhay at manalig sa Diyos. Sabi ko nga sa tula ko:

“No matter how many times I failed, I will always continue my journey because I believe in God.”

Pananalig lang ang tanging pag-asa para harapin ang lahat ng pangyuyurak ng mundo. Di ko alam kung sanaysay o talambuhay itong aking ginagawa pero dito pumapaloob ang kasaysayan ng aking buhay ng tahakin ko ang landas ng pagpapakabanal.

Ibig kong iparating na hindi ako galing sa mayamang angkan, ang tangi ko lang yaman ay ang maging totoo sa aking sarili at sa kwento ng aking buhay. Ito ang nagmulat sa akin upang harapin ang hamon ng Diyos sa pagpapahatid ng kanyang mabuting balita sa iba. Ika nga ay ginagamit ko ang aking kwento upang magbigay ng saya at pag-asa sa iba.


Wala akong gaanong kaibigan kung tutuusin. Mabibilang nga sa daliri kung sino-sino sila pero ang higit sa mga kaibigan kong ito ay ang aking madalas na hinihingahan ng sama ng loob. Sa Kanya ako nagbubuhos ng aking panahon. Kadalasan nga ay Siya ang madalas kong pag-alayan ng aking mga tula. Pero kadalasan ay pinagtatawanan ako dahil masyado raw erotic o dili kaya’y maramdamin at tila ba naghahanap ng kasuyo. Nag-aalimpuyo sa aking dibdib ang pagnanasang isatinig aking damdamin ngunit tila ang kapaligira’y hindi sumasang-ayon dito. Lagi na lang ata akong nadarapa sa pagsunod sa Kanya. Lampa ata ako o masyado atang mabuway ang aking tinutungtungan ngunit batid ko na sa bawat oras at sandali ay naroroon ang Diyos sa aking tabi. Sa maniwala kayo sa hindi ay ito ang kwento ko.

Wala akong balak pumasok sa buhay relihiyoso. Kung tutuusin nga ay takot ako sa mga pari at madre kasi pakiramdam ko ay ang babanal nila at ako ay hindi man lang karapat-dapat na mapalapit sa kanila. Ang tangi ko lamang konswelo ay ang pakikinig ng banal na Misa tuwing Miyerkoles, Biyernes at Linggo. Ang mga araw na ito ang nagpapasigla sa akin. Biro mo ba naman! Ako ay nabibilang sa isa sa magulo na atang pamilya sa Pilipinas. Halos mga kapatid kong lalaki ay lasingero at ang tatay ko ay halos sunog na ata ang baga sa kakainom. Samahan pa ng mga basag-ulo at pakikipagrambolan. Hay! Si tatay nga nakulong pa sa salang pagpatay. Tapos tatlo sa mga kapatid ko ay nakulong din sa pakikisama sa rambolan. Hay uli! Tapos, sasamahan pa ng awayan sa bahay. Sabi ko nga, “ang swerte naman ng pamilya ko!” hay, swerte talaga. At least, gumagalaw pa rin ang Diyos sa aming buhay kasi nalalagpasan naman naming lahat ng iyon.

mistake


" I am willing to admit that I may always commit mistakes but I am never been wrong all the time."