Masusumpungan MO ako sa aking kahinaan
Upang paglandasin ang hagod na maalam
At isigaw sa bulong ng katahimikan
Ang malaon nang damdaming inaasam...
Isa-isang panulayin sa aking balat
Yaring hiwaga ng haplos Mong banayad
Upang aking suklian ng matamis na tugon
Katawan ko'y IYO sa nasa Mong galaw...
Hagkan ako sa aking kahubaran
At lasapin ang damdaming umiiral
Sa siwang ng kawalang-malay
Ipinadama'y tuluyang pagpapaubaya...
Ikaw at ako'y sugpungan ng pangarap
Sinisiphayong tulad ng mayabong na bulaklak
Sa bango'y walang kaparis
Kundi ang dalisay na sariwang simoy sa batis...
Saliksikin ang kaigtingan ng aking kaganapan
Ipadamang ako'y sadyang may panghalina
Sinisiil ng bawat pagdampi ng Iyong mga labi
Sa nektar ng bumubukal na pagtatangi...
Samyuin ako habang may banayad na pandama
Sa kahubara'y malaya at tunay na
nagpapaubaya
Upang maangkin Mo ang sa IYO'y pag-aari na
Sa isang halik lang puso'y nanlalamig na...
Saturday, September 19, 2009
Thursday, September 17, 2009
SINO NGA BA AKO?

Sino nga ba ako sa piling Mo sinta?
Sino nga ba ako sa pag-ibig Mong banal?
Lumbay at lungkot ang aking kapisan
Galit at muhi ang aking kayakap
Walang puwang ang pang-unawa at paglingap
Puso ay balot ng hinagpis at lumbay
Sa mundong hinulma ng mga pasakit
Nang mga taong pinagkatiwalaan ng loob
Buong buhay ay inalay ngunit ako ay binaboy
Ang kaluluwa ko'y nilugmok sa putikan
Sa burak ang pagkatao ko'y nabaon
Lahat sa aki'y naglaho pati pagkatao
Ako ay walang masuungan, walang maapuhap
Pag-asa ay hindi ko na maramdaman
Sa kabila nito ay patuloy Ka pa ring naghihintay
Inaantay na ako ay bumangon at Ika'y pakinggan
Yayakaping Iyong-iyo hanggang kaibuturan
Ipinadaramang ako ay mahalaga sa Iyo
Sino nga ba ako para sa Iyo?
Sino nga ba ako para magtanong?
Sino nga ba ako?
Wednesday, September 16, 2009
ISANG HILING

Sana'y malayang tugunin ang dakilang pag-aalay
Ihilig yaring aking pangako sa IYONG pagkabayubay
Ako'y maglalakbay na IKAW ay kaagapay,
Sapagkat wagas ang PAG-IBIG MO ang sa aki'y nakalaan...
Ako ay tutugon bagama't may kaba
Tunay na magpapatuloy sapagkat IKAW ang ligaya
Nawa'y tunay na magtagpo,kapwa nating puso
Upang sa pagsilay ng magandang bukas, IKAW ang kasuyo...
Samyuin ako sa talulot ng aking kahinaan,
Hagkan ang kalaliman ko sa sintang nilalaan
Ako'y handang tumugon ng walang pag-aalinlangan
Sapagkay batid kong KAPAYAPAAN ang hatid ng IYOng PANGALAN...
Siphayuin ako ng IYOng mabatid
Ang katotohanang sa IYO nanggagaling,
Sisidlan akong pinupuno ng IYOng paglingap
Kaya't sa himlayan ng pag-iisa, ako'y IYOng hanguin...
Salamat, salamat...sa isang paanyaya
Sa pagpapaunlak sa isang talinghaga
Na may rurok ang lahat nating paglalakbay
IKAW at ako'y magsasamang tunay sa isang landasing katiwasaya'y walang hangganan
SA KALALIMAN NG GABI
Maglalakbay ang dilim sa madawag na bukirin
Doo'y sisilipin ang nagpupuyong damdamin
Pagniniig sa hiwaga ng kataksilang matamis
sa mundo ng kawalang malay, sisilay ang isang kaalaman
Isa-isang lalakbayin ng diwa ang mga pagbati
Sa munting daluyan ng aking kamuwangan
sisidlang kristal ang aking kaparis
Hindi mapaparam ang sikdo ng damdaming sa IYO'y tunay na paangkin
Lalandasin bawat kong laman
Iguhit sa pintalan ang hugis ng aking balat
Sa bawat pagbati ng IYOng mga labi
Dadaloy itong sa puso ko'y may pagpapaubaya
Kulimlim ang gabi at tila may bugso ng ulan
Sa pagpatak nito'y magtatampisaw tayong kapwa hubad sa katotohanan
IKAW at ako'y sadyang magkapalad
Sa pagsugpong ng diwa't kaluluwa sa landas ng katotohanan
Batid kong IKAW ang siyang papawi
Sa lumbay na kumukulong sa mapagpalayang pagniniig
Ang pag-angkin mo sa aki'y sisiphayuing maalab
Sapagkat kahulugan nito'y kabatirang ako'y ganap
Sa ating pagyayakap, pagsasaluha'y tamis ng PAG-IBIG
Sa gitna ng kabatirang ako'y walang kaalaman
Isa-isang landasin ng uhaw na labi ang himaymay ng aking laman
At doo'y masusumpungan akong lubos na nagpapaubaya

HAGKAN MO AKO SA AKING KAHUBARAN
Masusumpungan MO ako sa aking kahinaan
Upang paglandasin ang hagod na maalam
At isigaw sa bulong ng katahimikan
Ang malaon ng damdaming inaasam...
Isa-isang panulayin sa aking balat
Yaring hiwaga ng haplos Mong banayad
Upang aking suklian ng matamis na tugon
Katawan ko'y IYO sa nasa Mong galaw
Hagkan ako sa aking kahubaran
At lasapin ang damdaming umiiral
Sa siwang ng kawalang-malay
Ipinadama'y tuluyang pagpapaubaya
Ikaw at ako'y sugpungan ng pangarap
Sinisiphayong tulad ng mayabong na bulaklak
Sa bango'y walang kaparis
Kundi ang dalisay na sariwang simoy sa batis
Saliksikin ang kaigtingan ng aking kaganapan
Ipadamang ako'y sadyang may panghalina
Sinisiil ng bawat pagdampi ng Iyong mga labi
Sa nektar ng bumubukal na pagtatangi
Samyuin ako habang may banayad na pandama
Sa kahubara'y malaya at tunay na nagpapaubaya
Upang maangkin Mo ang sa IYO'y pag-aari na
Sa isang halik lang puso'y nanlalamig na..

Monday, September 14, 2009
KWENTO KA NAMAN DYAN!

KAILANGAN PO BANG LAGING MAY EXPLANATION ANG LAHAT NG BAGAY? YUN PO BANG LAGING MAY KAAKIBAT NA SAGOT? KAILANGAN PO BA LAGING GINAGAMIT ANG UTAK SA MGA PANGYAYARI SA BUHAY? HINDI PO BA PWEDENG KWENTUHAN LAMANG O USAPANG MAKAKA-RELATE ANG BAWAT ISA?
BATID KO PONG HINDI AKO GANOON KATALINO NA LAHAT AY MAY SAGOT NA HINALAW PA SA KUNG SINO-SINONG SIKAT NA MANUNULAT, PILOSOPO AT MGA BABASAHIN. BASTA ANG ALAM KO LANG AY MARUNONG AKONG MAGMAHAL AT UMUNAWA. HINDI PO BA SAPAT NA YON? HINDI PO BA PWEDENG MABUHAY NA SIMPLE LANG. YUN PO BANG NAGMAMAHALAN AT NAGBIBIGAY NG LIGAYA ANG BAWAT ISA NA HINDI NA NANGANGAILANGANG MAGBANGGIT NG MGA NABASANG LIBRO O NAPAG-ARALAN? HINDI BA MAAARING PAG-USAPAN ANG BUHAY NA SIMPLE LANG? YUN BANG IBINABAHAGI ANG BUHAY DAHIL IYON ANG NARANASAN. ANG KARANASAN SA BUHAY ANG PANDAYAN NG ISANG PAGKATAO.
AKO KASI AY NANINIWALA NA ANG PINANGHAHAWAKAN LANG NG TAO AY ANG KANYANG KARANASAN...ANG KANYANG NAKARAAN...NA MGA KWENTONG MALALIM AT KAPUPULUTAN PA NG MGA ARAL...MABUTI MAN O MASAMA, PANGIT MAN O MAGANDA...ITO AY MGA PANGYAYARI PA RING LILIKHA NG MGA KWENTO NG TUNAY NA PAGHARAP SA BUHAY AT PAGTITIWALA SA PAG-ASA...HINDI KO KASI KAYA ANG MAKIPAGSABAYAN SA MGA KWENTONG HINDI KO NARANASAN AT PAWANG HINAHANGO LAMANG SA MGA KWENTONG NAPUPULOT SA LIBRO AT KARANASAN NG IBA...IKA NGA AY HANGGANG DOON LANG AKO...IYON LANG ANG MAKAKAYANAN KO...HINDI KO KAYANG MAGBIGAY NG WALA AKO...DOON AKO MASAYA...
SANA PO AY PAKINGGAN NAMAN AKO O SIYA O SILA O IKAW. YUNG SIMPLE LANG NA MGA KWENTUHAN NA NAGMUMULA SA PUSO AT HINDI MUNA GAGAMITIN ANG UTAK...SABI NGA NI ATE NORMIE AY HINDI NA RAW TAMANG SABIHING "TIME WILL HEAL OUR WOUNDS" KUNDI "LOVE WILL HEAL OUR WOUNDS". OO NGA, MAY SENSE. HINDI LANG PANAHON ANG MAKAPAGSASABING KAYA KONG MAGKWENTO NA NAGMUMULA SA PUSO KUNDI DAHIL SA PAG-IBIG. TANGING PAG-IBIG LAMANG ANG MAKAKAINTINDI SA LAHAT NG BAGAY.SANA SA BAWAT PAGKUKUWENTO AY NAROON ANG PAG-IBIG KASABAY NG PAKIKINIG NA MAY PAG-IBIG...MAARI TAYONG MAGSIMULANG MAGKWENTO...NGAYON!
KWENTO KA NAMAN DYAN, O!
Subscribe to:
Posts (Atom)