Wednesday, April 14, 2010

HIWAGA NG PAG-IBIG

NAWA'Y MASILAYAN NG PUSO ANG HIWAGA NG HINDI MAWAWARING PAG-IBIG...
PADALUYIN SA PINAGPALANG DAMDAMIN ANG MATIMYAS NITONG DAMPI...
UPANG DOON AY HUMIMLAY ANG KATOTOHANAN NG PAG-IRAL NG DAKILANG LUMIKHA...

SA LAMLAM NG GABI

Sa lamlam ng gabi ang puso'y nalulumbay...
Pagsuyong walang kapantay ang siyang inaantay...
Upang mapunan ang hapis ng pusong matamlay...
IKAW, tanging IKAW ang siyang mabibigay buhay...

SA SULKOK NG PANGARAP

Minsan sa sulok ng pangarap sumilay ang hiwaga ng buhay...

Binabalot ng kaligayahang inampon ng kandiling maalab..

Ito ang buhay na hinubog sa sinapupunan ng PAG-IBIG ng DIYOS...

PAGLUBOG

Pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw sa dalampasigang kinakampayan ng along mahinahon...

Ito'y pagpapaalala sa aking ako'y pinagpala sa aking paglalakbay at waring buhay ay sadyang mahalaga...

Makulay itong pinaglulunanan ng pag-asa sa biyaya ng KAIBIGAN sa piling mo...

UMAGA

Nawa'y sumilay sa pagbubukang-liwayway ang hiwaga ng pag-ibig upang padaluyin itong bnayad tulad sa isang batis...

At ang talulot nawa na humahalimuyak ay magbiyaya ng masiglang araw...

Greatest Mystery

The greatest mystery which human discovered in this life is the ability to love that no matter how many times you failed you continue to love and love more