Friday, January 15, 2010

UPANG BIGYANG GINHAWA ANG MGA API

(Lucas 4:14-22a)

Ang pagbasang ating narinig ay isang hamon kung paano nga ba tayo dapat isabuhay ang pagkilala sa Diyos.

Mangyari ay nagtataka kayo bakit si Hesus ay nakapanganagaral sa Sinagoga gayong hindi naman isang pari. Ang Templo po ay matatapuan lamang sa Jerusalem kung saan ang mga Hudyo ay nagsasadya sa panahon ng pagdiriwang ng Paskwa at sama-samang nagdiriwang. Mayroon mga sinagoga sa bawat probinsya at si Hesus ay sa Nazareth, Galilea kung saan ang mga tao ay nakikinig ng aral mula sa banal na kasulatan at kung saan ang bawat isa ay maaring magparticipate na bumasa at maghayag sa araw ng pamamahinga. Kung baga po, ang Templo ay ang Parokya at ang sinagoga ay ang BEC kung saan naroon ang mga mananampalataya upang makinig ng salita ng Diyos at magnilay sa paghahayag ng isang namumuno. Ang pangyayari ay naganap matapos na si Hesus ay pumunta sa ilang ng 40 araw at tuksuhin ng demonyo upang simulan ang Kanyang misyon.

At ano po ang kanyang misyon? Ito po ay hindi lamang ang misyon ng pagiging pari, hari at propeta ngunit mas higit pa roon. Ang kanyang paghahayag mula sa sulat ni propeta Isaias ay upang bigyang katuparan ang hula ng propeta sa pagdating ng ipinangakong Mesiyas, ang magbibigay ginhawa sa mga api. Ang pagbibigay ng ginhawa sa mga api ay ang mga espesipikong gamapanin tulad ng pagbibigay katarungan sa mga bilanggong nagdurusa ng walang kasalanan, bigyang paningin ang mga bulag, bigyang pandinig ang mga bingi, pagsalitaain ang mga pipi, palakarin ang mga pilay at pagalingin ang mga maysakit. Ngunit bakit sila po ang dapat bigyan ng atensyon? Ano po ba sila ng lipunan? Sila po ang mga taong pinagkakaitan ng lipunan. At ang misyon po ni Hesus ay ang misyon ng pagyakap sa mga ito. At ito rin po ang ating misyon bilang mananampalataya. Bagamat hindi po natin magagawa ang mga himala ni Hesus, maari naman po tayong maging tenga ng mga bingi, mata ng mga bulag, boses ng mga pipi, tinig ng mga inaapi at nanaghoy at sandalan ng mga pinagkaitan ng katarungan. Ngunit sino po ba sila sa ating tahanan, sa ating pamayanan at sa ating lipunan? Ikaw, ako, tayo ay may misyon hindi lamang po sa pakikinig ng salita ng Diyos ngunit higit sa lahat ay sa paghahayag nito. Ika nga po sa isang awiting pagbabasbas:

NAWA’Y MANATILING TAPAT SA DIWA NI HESUS
IHATID ANG MABUTING BALITA SA DUKHA
IPAHAYAG ANG KALAYAAN NG MGA BILANGO
IBALIK ANG PANINGIN NG BULAG
UPANG BIGYANG GINHAWA ANG MGA API
AT MAGHARI ANG KABUTIHANG-LOOB NG DIYOS

Ito rin po sana ang ating taglayin, ang maging daan ng kaharian ng Diyos dito sa lupa tulad ng paghahayag ni Hesus.

PAG-IBIG AT PAGTITIWALA

(Marcos 6:45-52)

Sino po sa atin ang hindi natatakot? Sino po sa atin ang walang kinatatakutan? Hindi ba lahat tayo ay may mga kinatatakutan?

Kung natatandaan po natin? Tayo ay pinalaki ng ating mga magulang sa takot? Una, sasabihin sa atin na, “ Huwag kang pumunta dyan dahil baka manuno ka”. “ 'Wag kang gagawi riyan dahil baka mamatanda ka? “, “Pag hindi ka umuwi ng maaga, sige ka! Makakakita ka ng multo!”…Ito ang mga karaniwang pamamaraan ng ating mga magulang kung paano tayo pasusunurin noong tayo ay bata pa na hindi natin namamalayan ay nadadala natin hanggang sa tayo ay tumanda. Minsan nga, ito rin ang ating nagiging paraan para sa ating mga anak upang maging masunurin…

Ang ebanghelyo pong ating narinig ay hindi nalalayo ang kwento sa mga pangyayaring ating nakagisnan. Ang mga Judyo ay ganoon rin…May mga takot din sila sa multo o sa dagat sapagkat pinaniniwalaan nila na ang tubig ay pinamumugaran ng masasamang elemento tulad ng sea monster na nagngangalang Leviathan. Ang dagat ay nagbabadya ng isang kagilagilalas na karanasan. Kung ating susuriin ang ebanghelyo ay simple lang po ang pangyayari…Nagpauna si Hesus upang magdasal sa ilang at ang mga alagad ay pumalaot sa kabila ng nag-aalimpuyong dagundong ng hangin ngunit nahintakutan kaya’t si Hesus ay lumapit sa kanila at naglakad sa tubig…ngunit sa kanilang kabiglaan ay natakot sila kaya’t si Hesus ay nagsalita na “Ako ito!” at pinatigil niya ang hangin…at sila ay napayapa.

Ganito rin po an gating buhay, marami tayong agam-agam at takot at minsan nakakalimutan natin na may isang Diyos na nakahihigit sa lahat. Balikan po muli natin ang kwento, si Hesus ay lumakad sa tubig at pinatigil ang hangin. Ano po ang ibig iparating nito sa atin. Kung ang dagat ay pinamamahayan ng nakapangingilabot na si Leviathan, si Hesus ay mas makapangyarihan sa kanya. Gayun na rin ang hangin ay kayang sumunod kay Hesus. Ipinararating po ng kwento ang isang uri ng pagkilala sa Diyos at ang uri ng pagkilala sa Diyos na ito ay pagkilala na walang takot at anumang pangamba.

Ang pagkilala sa Diyos ay:

Una : Pagkilala sa isip - ang mananampalataya ay kumikilala sa Diyos sa kanyang mga kamangha-manghang gawain “intellectually” that God is the source of wisdom in able to understand how he works in our life.

Pangalawa : Pagkilala sa puso - ang mananampalataya ay kumikilala sa Diyos sa kanyang hindi mapapasubaliang paghipo sa ating puso upang siya ay pagkatiwalaan at mahalin. Uunahin siyang mahalin upang mas maging mabunga at makahulugan ang pagkakakilalang ito.

Pangatlo : Pagkilala sa gawa - ang mananampalataya ay kumikilala sa Diyos sa pagsasabuhay ng kanyang mg autos upang madama ng iba ang kanyang presensya.

Kung ang tatlong pagkilalang ito ay tunay na mananalaytay sa atin ay magiging tampok ang ating pagsasabuhay bilang mga Kristiyano…Walang takot! Walang pangamba sapagkat ang ating pagkakakilala sa Diyos ay nagbubunsod sa atin upang mas maramdaman ang kanyang pag-ibig na bumubukal hindi sa mga himalang maari niyang gawin ngunit higit sa lahat ay pagkilala na kaya niyang gawin kahit ang mga imposibleng bagay. Kilalanin po natin ang Diyos sa puso, sa isip at sa gawa at doon ay mababatid natin ang isang kahandaang harapin ang mga bagay na walang takot o pangamba. Ang pagkilala sa Diyos ay pagtanggap ng kanyang kakayahan sa lahat ng bagay…

SILENCE

The silence envelops my soul to find my joy in solitude...The silence brings my spirit in the realm of my existence...in the sweet melody of unforgettable love...

PANALANGIN

Panalangin ko'y makapiling KA sa lahat ng sandali upang parati na lang marugtungan ang ligayang di magmamaliw...Panalangin ko'y IKAW sa bawat paglalakbay upang sa dibdib ay pumukaw ang pagsuyong walang kapantay...

IKAW

kaw ang pangarap kong maabot at masumpungan...ligayang magmamaliw ang Iyong taglay...sana'y huwag mapawi ang tamis ng pag-ibig Mong taglay...

GISINGIN

Gisingin ako sa aking pagakahimlay sa himlayang dilim...pawiin ang aking kalungkutan baon sa karimlan ng kahinaan...ipadamang ang liwanag ay sisiwang upang pag-asa'y makamtan...

AKO'Y PALAYAIN

Ako'y palayain sa halumigmig ng umaga upang madama ang masuyong haplos ng banayad na pagsuyo...Ako'y bigkisin ng yapos na nanunuot sa himaymay upang mapagwagian ang ginintuang pagmamahal...

PANANABIK

Ang pananabik ay isang pag-asam sa talulot ng pagsintang maalam sisirin ang lalim ng kaluluwang humimlay sa siphayong walang kapantay

I LOVED BEFORE

I loved before and failed but never will i be afraid to love again...

to love again is to give myself not only a chance but for me to love more...

love is the only reason to live and that love should never fade no matter what...

what matters is the openness to see the beauty of life beyond hardships of living it out...

ITAGO MO AKO

Itago Mo ako sa lilim ng Iyong kandungan, sa bisig na nag-aalab...

Yapusin ako sa luwalhati ng Iyong paglingap, sa dibdib na nagniningas...

Suyuin ako ng lambong ng Iyong pagtangi, sa pusong naghahatid ng ligaya...

Itago mo ako sa pag-ibig na di magwawaliw, sa pagsintang kapantay ay langit...

TANDAAN

Tandaang sa paghihintay aynahuhubog ang isang pusok nananabik sa mas magiliw na pag-ibig...binubuhay ng bawat sandali ang himaymay ng di mawawaring ligaya...

Ito ang paghihintay na walang kapaguran sapagkat sa pagsapit ng dapit-hapon ay mag-aabang ang muling pagsilay ng umagang hatid ay katuwaan ng puso...

SERENITY

Serenity is a moment to find calmness of heart and soul beyond the devastating and disturbing picture of society made by man according to their will...

the world is full of tranquility and melodious ambiance to interfere the roaring thunder of man made-illusion of life...

life is full of mystery, never learn to stop it and create its own meaning...

NAWA

Nawa'y sumilay ang bukang-liwayway sa bawat puso na maghahatid ng hindi malilirip at hindi mawawaring pagsintang tunay...

Sunduin nawa sa talulot ng pag-asam ang kasiphayuang binabad sa tamis ng pag-ibig na busilak...

Nawa doo'y masumpungan ang kapanatagan ng kaluluwa't hihimlay sa kandili ng mapagpaubayang pagmamahal...

IF

If at the end of a rainbow there is a golden pot of joy and eternal peace, i will search its hiding place...

If at the end of a dark tunnel i will calmness and serenity of paradise, i will walk even obstacles i need to pass by...

If at the arms of a TRUE BELOVED i will find love and real compassion, i will enter the narrow path and face hindrances to be with His presence always...

HALINA

Halina't ating pagsaluhan ang PAG-IBIG na wagas upang sa dapit-hapon ay malasap ang ligayang hindi magmamaliw...

BIHAGIN

Bihagin ang damdaming minsa'y nawalay sa IYOng aruga...
muling pasiglahin ang pag-asam sa hiwaga ng Iyong pagkalinga...
pagkat sa piling MO lamang madarama ang tunay na ligaya...

IF I COULD

If I could bring a thousand roses in the bouquet of God's bosoms as symbol of my fidelity and humble submission...
I will offer a thousand lives, if i have, to be in the greatness of my soul...

THE WORLD

The world is beautiful on those who see it that way but not worthy to live with for those who don't want to see its beauty...