Tuesday, May 4, 2010

TRUE FRIENDSHIP

TRUE FRIENDSHIP can't be measured on how many times you've been together rather on how stronger and closer you've become when you live separate ways

TUNAY NA KAIBIGAN

Minsan dumaratingdaw ang tunay na kaibigan sa di inaasahang panahon
Dumadamay sa mga dusa at panaghoy
Pinapahid ang luha't balikatay pinauubaya
Sa tuwa at tagumpay ay naroong nagdiriwang
Salamat sa pagkakataong TUNAY na KAIBIGAN ay natagpuan sa piling MO...

DARANG

Ako ay nadarang sa pagsuyo MOng walang maliw
Nasiphayo sa taglay MOng katangiang walang kapantay
IKAW ang tanging nagbibigay ng ligayang tunay
IKAW at PAG-IBIG MO lamang ang aking hahangarin, DAKILANG MANGINGIBIG

LAKBAY

Maglalakbay tayong sa mundo'y salat sa kamuwangan
Ngunit sa tuwina'y madadarang sa hiwaga ng paglingap
Isang damdaming iiral na may pagtangi
Sapagkatdoo'y masusumpungan ang wagas na PAG-IBIG

MINSAN ULI

Minsan, hinahanap ng tao angkatuturan ng mundo
Pilit inaarok ang kalaliman nitong magtatakda ng kahulugan ng tao
At kadalasang hindi naaarok ay ang lalim ng pagkatao
Na sa bawatpagpintig ng puso'y naroroon ang katotohanan ng PAG-IBIG
Isang hiwagang maaabot lamang ng tunay na umiibig sa MANGINGIBIG

THE MOMENT

The moment i feel THY presence my heart leaps for joy
The moment I feel THY touch, my soul reaches the haven of LOVE
Oh, what a wonderful moment to be with YOU, my BELOVED