Dahil sa PAG-IBIG ang puso ko'y nagagalak at hindi nagnanasang matumbasan yaring alay na pagsuyo,
Dahil sa PAG-IBIG ang buhay ko'y nagkaroon ng kahulugan, hindi para maunawaan kundi para umunawa,
Dahil sa PAG-IBIG ang hangarin ko'y mamalas ang ganda ng mundo sa kabila ng nag-aalimpuyo nitong kahinaan,
Patuloy akong aasang ang ligaya'y matatamasa kung ang gunita't damdami'y parati ng magkaugnay ng dahil sa PAG-IBIG.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment