Tuesday, November 24, 2009

PAG-IBIG MO

Hagurin ako sa banayad na dampi ng IYOng mga haplos
Anurin ako ng diwa MOng balot ng hiwaga't lamyos
Sisirin ako ng pagsuyo MOng dalisay hanggang aking kaluluwa
At ipadama sa akin ang PAG-IBIG sa talulot ng aking pag-iisa

IKAW ang PAG-IBIG kong itatangi magpakailanman
Sapagkat IKAW lamang ang nagpahiwatig nitong katuturan
Kaganapan ko'y IKAW ang siyang nagpahalaga
At buhay ko'y binigyan ng LIGAYAng pagsidla'y wala

No comments:

Post a Comment