Friday, November 13, 2009

SISIDLAN

Sisidlan akong naghahangad imbakan ng paglingap na dalisay, nawa'y IYOng madampian kahit man lamang haplos ng masuyong pagkalinga...

Iduyan ako sa lawak ng pangarap na di malilirip ng masintahing mga taludtod ngunit kung sadyang matimtiman yaring pagsuyo'y buong puso't kaluluwang sa IYO'y maghahandog...

No comments:

Post a Comment