Sunday, March 7, 2010

PAGLAYA

Minsan ang buhay ay natatali sa mga bagay na hindi dapat nyang katalian...

Dinidikta ng tao ang kapalaran ng iba na kung tutuusin ay may kakanyahan ang bawat isang maging siya at maangkin ang sarili niyang pagkatao. Kadalasa'y nagiging dahilan ng pag-inog ng buhay ng iba ang katangian ng iba ngunit sa hinihingi ng paglaya. Sa paglaya ay nababatid na ito ang kahulugan ng buhay na magpapakadalisay ng kanyang pagkato.

Kailangang lumaya sa pagkakatali at pagkakaalipin ng mga taong naghahangad na wasakin ang pagkataong angking-angkin. Dito dapat simulan ng tao ang pag-agpang sa di mawawaring katotohanan ng kanyang pag-iral...Sa paglaya ay masususmpungan ang tunay na kaganapan ng pagkatao na binubunsod ng hindi malilirip na katotohanang umiiral dahil sa ito ang nakatakdang kaangkinan...

Kailangang ang isip ay palayain sa pagkakabilanggo ng mga pag-iisip na walang saysay dahil sa ito ang hinangad ng iba sa atin. Sa paglayang ito'y masususmpungan ang kakanyahang maliwanagan ang bagy-bagy na minsan ay isinisiksik sa isipan ng mga taong hangad lamang ay papang-ibabawin ang kanilang mga pansariling interes. Ang sariling isip ay may taglay na kalakasan upang sugpungan ang nalilitong pagktao. Sa paglayang ito'y mababatid na ang kaiipa'y may tunay at wagas na pagpapasya...

Kailangang ang puso'y palayain upang masumpungan ang wagas na pagsuyong nilalayon ng puso.Doon ay malalasap ang sarili sa kadakilaang taglay. Ito ang katuparan ng walang hanggang kaligayahan...

Kailangang palayain ang kaluluwang binihag ng mga mapanlinlang na animo mga banal na ngumangasab ng kaibuturang pinagliliman ng diwang dalisay. Ang kaluluwa ay kailangang makawala sa hawla ng mapang-aliping kamalayan sa tunay na pag-iral ng sarili.

PAGLAYA sa mga bagay na dinikta ng tao at mundo ay paglayang naghahatid ng tunay na kaluwalhatian at matimyas na pag-ibig hanggang sa dulo ng walang hanggan.

No comments:

Post a Comment