Monday, December 27, 2010

PAGSUYO KAHIT SANDALI

Hindi pala ganun kadali ang mawalay sa isang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal kahit sandali...ang pagpapahalagang ipinakita niya ay lagi nalang sa aking alaala...masarap pala ang maramdaman na ako'y mahal niya ng walang pag-aalinlangan at pag-aatubili...miss ko na agad siya...

UMAGA

Sa bawat pagsapit ng bukang liwayway ay madarama ang pag-asa

Isang paglingap na sinusuyo ng matimyas na pagsinta

Sa talulot ng aking pangungulila'y malalasap ang hamog ng ligaya

MUSIKA ng buhay

minsan daw ang buhay ay parang musika at puro tunig ang himig ay wala...mababatid lang ang kahulugan kung ito ay mararamdaman ng puso...isang paglingap na wagasa ang hangad na malasap...upang ang musika'y umindayog sa saliw ng himig MOng taglay...

SO LITTLE TIME

I have so many things to do and accomplish but i have so little time...

there are people trying to get my love but my heart was already captured by someone...

i want to continue because i am believing that true lave can wait...

for this is my life and i don't want to give a damn...

Opportunity

When opportunity knocks the second time around, grab it with all eagerness and with all your heart for it might be with other's arms and treasure it more

Saturday, October 23, 2010

DAKILANG PAG-IBIG

PAG-IBIG man daw ay iwasan, patuloy pa rin itong kakatok sa puso ninuman...Iniwasan kong ito'y maramdaman ngunit sadyang nagpupumilit na sa IYO ilaan...Batid kong walang aasahan, magpapatuloy pa rin akong magmamahal sa Iyo sapagkat ito'y aking kaganapan...

YOU TAUGHT Me

YOU taught me the path to completeness and I followed it...YOU taught me the meaning of existence and I searched for it...YOU taught me the essence of honesty and I grabbed it...YOU taught me how to love unceasingly and I drowned with it...YOU taught me how to be me by loving YOU my BELOVED and my GOD...

MINSAN DAW

Minsan daw ang pag-ibig ay sumisibol sa di tamang panahonna kapag napagod sa paghihintay ay kagyat na igugupo ng pagkakataon...
Nawawala ng kusa ang damdamin at nagpupumiglas na puso'y mananahimik ng tuluyan...
Sana'y mabatid mong nandirito akong sa iyo'y naglalaan tuwina ng pagsuyongunit kung di mabatid, laang pag-ibig ay baka tuluyang maglaho...

YOU

YOU tempted me and I didn't resist YOUR charm
YOU seduced me and I didn't bother to be captured by it
YOU taught me to love YOU and I decided to love YOU more
I will always love you my BELOVED, My ALL and my GOD

I KNOW

I know it will be hard if I decided to I get away from YOU
But I can't hide the feelings inside of me
YOU give me life and complete me
And I will not care what people say
Because I never thought I will learn to love YOU more...

My Lord and my God!

KUNG

Kung ang pag-ibig ay isang pangako ay mangangako akong iibigin ko'y IKAW lamang sapagkat sa IYO ay nadama ang ganap na kaligayahan...bagamat may kaakibat itong pagdurusa ay magpapatuloy ako sapagkat sa IYO puso ko'y magpapaubaya...

THE PURPOSE

The main purpose of our existence is to LOVE others but if we can't give even a drop of it, learn not to hurt anyone...

SANA

Sana'y wag mapagod ang puso sa paghihintay...Sana'y wag maakit ng ibang pagsuyo ang pag-ibig na sa iyo'y alay...

Thursday, August 12, 2010

can you tell me why?

i do not know why are acting differently
you always watching my moves and gestures
and even commenting terribly through your actions
that kept me thinking why

you saw me wearing shorts...a short shorts in particular
you looked at me and snubbed as you saw my attire
not to argue with you, i changed my clothes
and not to please you then but i kept on wondering why

last time, you heard me laughing the way i was
you stared at me as if telling me to stop
you seemed you're annoyed with my voice
and i don't know why are you doing this to me

last night, i was with my friend
and we're joyfully sharing thoughts and ideas
when you suddenly interrupted us and caught my attention
you even said, "time for music practice, get out of your room."

today, you boastfully told me i was seeking attention again
and i don't know where are you coming from
i just said i am planning to cut my hair short
and your reaction was too much already, it seemed not fair

why are you doing this to me?
we're not even casual friends or anything
but you keep on interfering in my life
you even disturbing my thoughts and being

why are you doing this to me?
i am not even talking to you intimately
but i felt you always watching all my actions
and this bothering me now

is there really something wrong with me that you don't like?
but why are you doing this?
can you tell me what's in your mind and heart?
so i can understand why

LET ME

LET ME HEAR YOU, LORD IN THE SILENCE OF MY THOUGHTS
IN THE MYSTERY REVEALED IN SOLITUDE AND EMPTINESS
WHERE SERENITY AND PURITY OF SOUL REMAIN
AND THE GENTLE MUSIC OF LOVE REVEALS

LET ME SEE YOU, LORD IN THE EVENTS OF MY DAYS
IN THE PEOPLE I WILL MEET TODAY
IN THE SIMPLE SMILE OF STRANGERS PASSING BY
AND IN THE MORNING SUN THAT BRINGS ME NEW DAY

LET ME FEEL YOU, LORD IN THE WARMTH TOUCH OF THE BREEZE
IN THE CARESS OF MY MOTHER EXPRESSING HER CARE
IN THE GESTURE OF FRIENDSHIP OFFERED BY OTHERS
AND IN THE SOLEMNITY OF MY SOUL IN YOUR PRESENCE

LET ME HEAR YOU, LORD IN THE MUSIC OF YOUR SPIRIT
IN THE LAUGHTER OF CHILDREN PLAYING AROUND
IN THE WHISPER OF THE GENTLE BREEZE IN MY SILENCE
AND IN THE SWAYING OF GRASSES AND SINGING OF BIRDS

LET ME LOVE YOU, LORD WILL ALL YOUR BEING
IN THE PEOPLE I MET EVERY MOMENT OF MY LIFE
IN THE DIFFICULTIES AND STRUGGLES OF EVERY CREATURE
AND IN THE NEEDS AND SUFFERINGS OF YOUR PEOPLE DEARLY LOVED

I AM YOUR ANGEL

i saw you crying this morning and my heart was touched
i wanted to get near you but i remembered something
once you said, "people need space and be alone"
i let you fly but deep within me i want to enclose you in my arms

i let you be on your space, a solemn moment
in solitude where you can be on your own
reminiscing all the things that confused you
and feel the needs that you longed for

i am your angel, an angel in disguise
someone you can cry on and lean on
i am just around watching you all the time
and letting you know how much i care

i am around to listen and make you smile
to hear your thoughts and dreams
the voice inside of you is what i desire
and be your wings wherever you want to be

YOU'RE SUCH A WONDERFUL PERSON I SEE

YOU'RE PLAYING A GUITAR WITH THE SWEET SOUND OF MUSIC
I STOPPED TO HEAR THE MUSIC THAT YOU'RE PLAYING
IT CAPTURED MY HEART AND I LISTENED TO YOUR VOICE
YOU'RE SUCH A WONDERFUL PERSON I SEE

YOU STARED AT ME AS IF YOU KNEW ME
IN MY SORROW AND PAINS, THEN YOU SMILED AT ME
THE SWEETEST SMILE THAT MELT MY HEART
YOU'RE SUCH A WONDERFUL PERSON I SEE

YOU PLAY THE MELODY OF LOVE IN EVERY STRUM
IT WAS THE SWEET HARMONY THAT BEAT MY HEART FAST
YOU ARE, YOU ARE THE ONE THAT SHOWN ME
A SPIRIT OF COMPASSION AND AFFECTION IN ONE

I WISHED YOU'LL NOT STOP PLAYING YOUR MUSIC
SO I COULD HAVE A MOMENT WITH YOU
A MOMENT I WILL FORGET I WAS IN PAIN
BECAUSE MY LOVE LEFT ME ALL ALONE

LET ME LOVE YOU

Let me love you in the mist of the morning dew...
in the breeze that let my soul reach your heaven..
let me love you in the melody of the wind...
beneath my feet , the bed of fragrant roses...
let me love you in the sweetest sound of your voice...
to let me feel the caress of your compassion...

Oh my Beloved, let me feel your presence now and always...
Oh, my Beloved, come to me and share your blessings...
A love that never end...
a love that never fade...
a love that heals and comfort, my Beloved

IF YOU CAN ONLY SEE

you know me staring at you always
telling you what's on your mind and heart
but you keep on ignoring
And reacted me back differently

Last night, I told you I'll tell you something
But I hoped you're ready to accept whatever it may be
for both of us to live happy and contented
And unite our souls together

If you can only see the soul of mine
You will understand what's inside of me
Telling you all my heart's desire
Only to you and for you I belong

If you can only see the beauty within me
You will find the sincerity of my spirit
To you, my Beloved, I will always be
Forever will stay come what may

I hope you'll realize
that my eyes speak my soul
the soul which you captured
and promised to love you always

Wednesday, August 11, 2010

GIFT

To find the gift of LOVE is to find the gift of understanding...there in the midst of searching the essence of life will find that there's only one thing to learn and that is to understand...People must learn that everyone has a role to pursue and live out...People must believe to the duty of loving one another without condition...accepting them as they are as gift of purity and compassion...

LAMBING NG PAGMAMAHAL

ikaw ba'y nagtatanong kung ika'y mahal ko rin
Sa bawat titig mo'y nadarama ang pag-ibig
Puso ko'y anong kaba tuwing nakikita ka
At tila ligaya lang aking nadarama

Ikaw pala ang tangi kong hiling
Na sa Diyos aking dasal ay makapiling
Sana'y wag matapos itong sandali
Ako lamang sa iyo'y naglalambing

Halina't pagsaluhan pag-ibig na wagas
Di na kailangan pang sa akin ay magtanong
Puso ko'y ikaw lamang ang tinitibok
Sa bawat lambing nito'y tunay na pagmamahal

Sana'y wag matakot sa akin ay magtapat
Tinig mo'y aking hinihintay na marinig
Sabihin mong ako'y iyong minamahal
At 'wag ng sa akin pa ikaw ay magtanong

Sana'y madama mo ang lambing ng aking pagmamahal

Thursday, July 22, 2010

LAMBING NG PAGMAMAHAL

IKAW BA'Y NAGTATANONG KUNG IKA'Y MAHAL KO RIN
SA BAWAT TITIG MO'Y NADARAMA ANG PAG-IBIG
PUSO KO'Y ANONG KABA TUWING NAKIKITA KA
AT TILA LIGAYA LANG AKING NADARAMA

IKAW PALA ANG TANGI KONG HILING
NA SA DIYOS AKING DASAL AY MAKAPILING
SANA'Y WAG MATAPOS ITONG SANDALI
AKO LAMANG SA IYO'Y NAGLALAMBING

HALINA'T PAGSALUHAN PAG-IBIG NA WAGAS
DI NA KAILANGAN PANG SA AKIN AY MAGTANONG
PUSO KO'Y IKAW LAMANG ANG TINITIBOK
SA BAWAT LAMBING NITO' TUNAY NA PAGMAMAHAL

SANA' WAG MATAKOT SA AKIN AY MAGTAPAT
TINIG MO'Y AKING HINIHINTAY NA MARINIG
SABIHIN MONG AKO'Y IYONG MINAMAHAL
AT WAG NG SA AKIN PA IKAW AY MAGTANONG

SANA'Y MADAMA MO ANG LAMBING NG AKING PAGMAMAHAL

Sunday, May 9, 2010

iYOng NGIti

Ang lamig ng hangin ay tila nagpaparamdam ng guho kong daigdig
Ang masilayan kang nalulumbay ay tila balaraw na tumatarak sa aking dibdib
Sana'y damhin mo ang pagsamo ng puso ko
Ito ay nananabik sa nagbibigay-buhay mong mga ngiti.

FOREVER

Don't let your heart be troubled because my presence will always be with you no matter what
My promise is to protect and keep you from harm even i am not around
I am your angel in disguise, the angel who will be there always and forever

BEST

Life is like a clock that tells a story every tick of the time
The moment arrows move is a beautiful or bad experience occur
Like our stories that move in the mystery of time
May this be our BEST to be written in the book of our life

Tuesday, May 4, 2010

TRUE FRIENDSHIP

TRUE FRIENDSHIP can't be measured on how many times you've been together rather on how stronger and closer you've become when you live separate ways

TUNAY NA KAIBIGAN

Minsan dumaratingdaw ang tunay na kaibigan sa di inaasahang panahon
Dumadamay sa mga dusa at panaghoy
Pinapahid ang luha't balikatay pinauubaya
Sa tuwa at tagumpay ay naroong nagdiriwang
Salamat sa pagkakataong TUNAY na KAIBIGAN ay natagpuan sa piling MO...

DARANG

Ako ay nadarang sa pagsuyo MOng walang maliw
Nasiphayo sa taglay MOng katangiang walang kapantay
IKAW ang tanging nagbibigay ng ligayang tunay
IKAW at PAG-IBIG MO lamang ang aking hahangarin, DAKILANG MANGINGIBIG

LAKBAY

Maglalakbay tayong sa mundo'y salat sa kamuwangan
Ngunit sa tuwina'y madadarang sa hiwaga ng paglingap
Isang damdaming iiral na may pagtangi
Sapagkatdoo'y masusumpungan ang wagas na PAG-IBIG

MINSAN ULI

Minsan, hinahanap ng tao angkatuturan ng mundo
Pilit inaarok ang kalaliman nitong magtatakda ng kahulugan ng tao
At kadalasang hindi naaarok ay ang lalim ng pagkatao
Na sa bawatpagpintig ng puso'y naroroon ang katotohanan ng PAG-IBIG
Isang hiwagang maaabot lamang ng tunay na umiibig sa MANGINGIBIG

THE MOMENT

The moment i feel THY presence my heart leaps for joy
The moment I feel THY touch, my soul reaches the haven of LOVE
Oh, what a wonderful moment to be with YOU, my BELOVED

Wednesday, April 14, 2010

HIWAGA NG PAG-IBIG

NAWA'Y MASILAYAN NG PUSO ANG HIWAGA NG HINDI MAWAWARING PAG-IBIG...
PADALUYIN SA PINAGPALANG DAMDAMIN ANG MATIMYAS NITONG DAMPI...
UPANG DOON AY HUMIMLAY ANG KATOTOHANAN NG PAG-IRAL NG DAKILANG LUMIKHA...

SA LAMLAM NG GABI

Sa lamlam ng gabi ang puso'y nalulumbay...
Pagsuyong walang kapantay ang siyang inaantay...
Upang mapunan ang hapis ng pusong matamlay...
IKAW, tanging IKAW ang siyang mabibigay buhay...

SA SULKOK NG PANGARAP

Minsan sa sulok ng pangarap sumilay ang hiwaga ng buhay...

Binabalot ng kaligayahang inampon ng kandiling maalab..

Ito ang buhay na hinubog sa sinapupunan ng PAG-IBIG ng DIYOS...

PAGLUBOG

Pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw sa dalampasigang kinakampayan ng along mahinahon...

Ito'y pagpapaalala sa aking ako'y pinagpala sa aking paglalakbay at waring buhay ay sadyang mahalaga...

Makulay itong pinaglulunanan ng pag-asa sa biyaya ng KAIBIGAN sa piling mo...

UMAGA

Nawa'y sumilay sa pagbubukang-liwayway ang hiwaga ng pag-ibig upang padaluyin itong bnayad tulad sa isang batis...

At ang talulot nawa na humahalimuyak ay magbiyaya ng masiglang araw...

Greatest Mystery

The greatest mystery which human discovered in this life is the ability to love that no matter how many times you failed you continue to love and love more

Sunday, March 7, 2010

PAGLAYA

Minsan ang buhay ay natatali sa mga bagay na hindi dapat nyang katalian...

Dinidikta ng tao ang kapalaran ng iba na kung tutuusin ay may kakanyahan ang bawat isang maging siya at maangkin ang sarili niyang pagkatao. Kadalasa'y nagiging dahilan ng pag-inog ng buhay ng iba ang katangian ng iba ngunit sa hinihingi ng paglaya. Sa paglaya ay nababatid na ito ang kahulugan ng buhay na magpapakadalisay ng kanyang pagkato.

Kailangang lumaya sa pagkakatali at pagkakaalipin ng mga taong naghahangad na wasakin ang pagkataong angking-angkin. Dito dapat simulan ng tao ang pag-agpang sa di mawawaring katotohanan ng kanyang pag-iral...Sa paglaya ay masususmpungan ang tunay na kaganapan ng pagkatao na binubunsod ng hindi malilirip na katotohanang umiiral dahil sa ito ang nakatakdang kaangkinan...

Kailangang ang isip ay palayain sa pagkakabilanggo ng mga pag-iisip na walang saysay dahil sa ito ang hinangad ng iba sa atin. Sa paglayang ito'y masususmpungan ang kakanyahang maliwanagan ang bagy-bagy na minsan ay isinisiksik sa isipan ng mga taong hangad lamang ay papang-ibabawin ang kanilang mga pansariling interes. Ang sariling isip ay may taglay na kalakasan upang sugpungan ang nalilitong pagktao. Sa paglayang ito'y mababatid na ang kaiipa'y may tunay at wagas na pagpapasya...

Kailangang ang puso'y palayain upang masumpungan ang wagas na pagsuyong nilalayon ng puso.Doon ay malalasap ang sarili sa kadakilaang taglay. Ito ang katuparan ng walang hanggang kaligayahan...

Kailangang palayain ang kaluluwang binihag ng mga mapanlinlang na animo mga banal na ngumangasab ng kaibuturang pinagliliman ng diwang dalisay. Ang kaluluwa ay kailangang makawala sa hawla ng mapang-aliping kamalayan sa tunay na pag-iral ng sarili.

PAGLAYA sa mga bagay na dinikta ng tao at mundo ay paglayang naghahatid ng tunay na kaluwalhatian at matimyas na pag-ibig hanggang sa dulo ng walang hanggan.

UMAGA

Katulad ng bulaklak sa parang na naghihintay sa hamog ng umaga...
katulad sa bukang-liwayway na sumisilip sa silangan kapag umaga...
katulad ng huni ng ibong sumasabay sa dapyo ng hanging pang-umaga...
ganyan ang wangis ng matimyas na pagbati ng pusong busilak na nagmamahal...

LANGIT

Minamasdan ko ang buwang tila perlas ng kalawakan at nag-aanyayang arukin ang langit na hantungan...
gayun din ang mga bituing sumasayaw sa indak ng matulaing ulap at tila naghihintay marating ang apuhap ng pangarap...
ang puso'y nagdiriwang sa biyaya ng pag-ibig hatid ng kagandahang-loob na nilayon ng Bathalang dalisay kung umibig...

SALAMAT

Salamat sa kaloobang nagbibigay saya at pag-asa...
salamat sa pagtanging dalisay at kababaang-loob...
salamat sa busilak na pakikipagkaibigan...

Joey is falling...

Joey is falling in love with his vocation to serve the people through ministry...Today, Ash Wednesday, Joey's heart was touched of people's situation in the parish where he's having his apostolate. The call to serve the "least among our brethren" awaken his desire to be more compassionate and loving.

Friday, January 15, 2010

UPANG BIGYANG GINHAWA ANG MGA API

(Lucas 4:14-22a)

Ang pagbasang ating narinig ay isang hamon kung paano nga ba tayo dapat isabuhay ang pagkilala sa Diyos.

Mangyari ay nagtataka kayo bakit si Hesus ay nakapanganagaral sa Sinagoga gayong hindi naman isang pari. Ang Templo po ay matatapuan lamang sa Jerusalem kung saan ang mga Hudyo ay nagsasadya sa panahon ng pagdiriwang ng Paskwa at sama-samang nagdiriwang. Mayroon mga sinagoga sa bawat probinsya at si Hesus ay sa Nazareth, Galilea kung saan ang mga tao ay nakikinig ng aral mula sa banal na kasulatan at kung saan ang bawat isa ay maaring magparticipate na bumasa at maghayag sa araw ng pamamahinga. Kung baga po, ang Templo ay ang Parokya at ang sinagoga ay ang BEC kung saan naroon ang mga mananampalataya upang makinig ng salita ng Diyos at magnilay sa paghahayag ng isang namumuno. Ang pangyayari ay naganap matapos na si Hesus ay pumunta sa ilang ng 40 araw at tuksuhin ng demonyo upang simulan ang Kanyang misyon.

At ano po ang kanyang misyon? Ito po ay hindi lamang ang misyon ng pagiging pari, hari at propeta ngunit mas higit pa roon. Ang kanyang paghahayag mula sa sulat ni propeta Isaias ay upang bigyang katuparan ang hula ng propeta sa pagdating ng ipinangakong Mesiyas, ang magbibigay ginhawa sa mga api. Ang pagbibigay ng ginhawa sa mga api ay ang mga espesipikong gamapanin tulad ng pagbibigay katarungan sa mga bilanggong nagdurusa ng walang kasalanan, bigyang paningin ang mga bulag, bigyang pandinig ang mga bingi, pagsalitaain ang mga pipi, palakarin ang mga pilay at pagalingin ang mga maysakit. Ngunit bakit sila po ang dapat bigyan ng atensyon? Ano po ba sila ng lipunan? Sila po ang mga taong pinagkakaitan ng lipunan. At ang misyon po ni Hesus ay ang misyon ng pagyakap sa mga ito. At ito rin po ang ating misyon bilang mananampalataya. Bagamat hindi po natin magagawa ang mga himala ni Hesus, maari naman po tayong maging tenga ng mga bingi, mata ng mga bulag, boses ng mga pipi, tinig ng mga inaapi at nanaghoy at sandalan ng mga pinagkaitan ng katarungan. Ngunit sino po ba sila sa ating tahanan, sa ating pamayanan at sa ating lipunan? Ikaw, ako, tayo ay may misyon hindi lamang po sa pakikinig ng salita ng Diyos ngunit higit sa lahat ay sa paghahayag nito. Ika nga po sa isang awiting pagbabasbas:

NAWA’Y MANATILING TAPAT SA DIWA NI HESUS
IHATID ANG MABUTING BALITA SA DUKHA
IPAHAYAG ANG KALAYAAN NG MGA BILANGO
IBALIK ANG PANINGIN NG BULAG
UPANG BIGYANG GINHAWA ANG MGA API
AT MAGHARI ANG KABUTIHANG-LOOB NG DIYOS

Ito rin po sana ang ating taglayin, ang maging daan ng kaharian ng Diyos dito sa lupa tulad ng paghahayag ni Hesus.

PAG-IBIG AT PAGTITIWALA

(Marcos 6:45-52)

Sino po sa atin ang hindi natatakot? Sino po sa atin ang walang kinatatakutan? Hindi ba lahat tayo ay may mga kinatatakutan?

Kung natatandaan po natin? Tayo ay pinalaki ng ating mga magulang sa takot? Una, sasabihin sa atin na, “ Huwag kang pumunta dyan dahil baka manuno ka”. “ 'Wag kang gagawi riyan dahil baka mamatanda ka? “, “Pag hindi ka umuwi ng maaga, sige ka! Makakakita ka ng multo!”…Ito ang mga karaniwang pamamaraan ng ating mga magulang kung paano tayo pasusunurin noong tayo ay bata pa na hindi natin namamalayan ay nadadala natin hanggang sa tayo ay tumanda. Minsan nga, ito rin ang ating nagiging paraan para sa ating mga anak upang maging masunurin…

Ang ebanghelyo pong ating narinig ay hindi nalalayo ang kwento sa mga pangyayaring ating nakagisnan. Ang mga Judyo ay ganoon rin…May mga takot din sila sa multo o sa dagat sapagkat pinaniniwalaan nila na ang tubig ay pinamumugaran ng masasamang elemento tulad ng sea monster na nagngangalang Leviathan. Ang dagat ay nagbabadya ng isang kagilagilalas na karanasan. Kung ating susuriin ang ebanghelyo ay simple lang po ang pangyayari…Nagpauna si Hesus upang magdasal sa ilang at ang mga alagad ay pumalaot sa kabila ng nag-aalimpuyong dagundong ng hangin ngunit nahintakutan kaya’t si Hesus ay lumapit sa kanila at naglakad sa tubig…ngunit sa kanilang kabiglaan ay natakot sila kaya’t si Hesus ay nagsalita na “Ako ito!” at pinatigil niya ang hangin…at sila ay napayapa.

Ganito rin po an gating buhay, marami tayong agam-agam at takot at minsan nakakalimutan natin na may isang Diyos na nakahihigit sa lahat. Balikan po muli natin ang kwento, si Hesus ay lumakad sa tubig at pinatigil ang hangin. Ano po ang ibig iparating nito sa atin. Kung ang dagat ay pinamamahayan ng nakapangingilabot na si Leviathan, si Hesus ay mas makapangyarihan sa kanya. Gayun na rin ang hangin ay kayang sumunod kay Hesus. Ipinararating po ng kwento ang isang uri ng pagkilala sa Diyos at ang uri ng pagkilala sa Diyos na ito ay pagkilala na walang takot at anumang pangamba.

Ang pagkilala sa Diyos ay:

Una : Pagkilala sa isip - ang mananampalataya ay kumikilala sa Diyos sa kanyang mga kamangha-manghang gawain “intellectually” that God is the source of wisdom in able to understand how he works in our life.

Pangalawa : Pagkilala sa puso - ang mananampalataya ay kumikilala sa Diyos sa kanyang hindi mapapasubaliang paghipo sa ating puso upang siya ay pagkatiwalaan at mahalin. Uunahin siyang mahalin upang mas maging mabunga at makahulugan ang pagkakakilalang ito.

Pangatlo : Pagkilala sa gawa - ang mananampalataya ay kumikilala sa Diyos sa pagsasabuhay ng kanyang mg autos upang madama ng iba ang kanyang presensya.

Kung ang tatlong pagkilalang ito ay tunay na mananalaytay sa atin ay magiging tampok ang ating pagsasabuhay bilang mga Kristiyano…Walang takot! Walang pangamba sapagkat ang ating pagkakakilala sa Diyos ay nagbubunsod sa atin upang mas maramdaman ang kanyang pag-ibig na bumubukal hindi sa mga himalang maari niyang gawin ngunit higit sa lahat ay pagkilala na kaya niyang gawin kahit ang mga imposibleng bagay. Kilalanin po natin ang Diyos sa puso, sa isip at sa gawa at doon ay mababatid natin ang isang kahandaang harapin ang mga bagay na walang takot o pangamba. Ang pagkilala sa Diyos ay pagtanggap ng kanyang kakayahan sa lahat ng bagay…

SILENCE

The silence envelops my soul to find my joy in solitude...The silence brings my spirit in the realm of my existence...in the sweet melody of unforgettable love...

PANALANGIN

Panalangin ko'y makapiling KA sa lahat ng sandali upang parati na lang marugtungan ang ligayang di magmamaliw...Panalangin ko'y IKAW sa bawat paglalakbay upang sa dibdib ay pumukaw ang pagsuyong walang kapantay...

IKAW

kaw ang pangarap kong maabot at masumpungan...ligayang magmamaliw ang Iyong taglay...sana'y huwag mapawi ang tamis ng pag-ibig Mong taglay...

GISINGIN

Gisingin ako sa aking pagakahimlay sa himlayang dilim...pawiin ang aking kalungkutan baon sa karimlan ng kahinaan...ipadamang ang liwanag ay sisiwang upang pag-asa'y makamtan...

AKO'Y PALAYAIN

Ako'y palayain sa halumigmig ng umaga upang madama ang masuyong haplos ng banayad na pagsuyo...Ako'y bigkisin ng yapos na nanunuot sa himaymay upang mapagwagian ang ginintuang pagmamahal...

PANANABIK

Ang pananabik ay isang pag-asam sa talulot ng pagsintang maalam sisirin ang lalim ng kaluluwang humimlay sa siphayong walang kapantay

I LOVED BEFORE

I loved before and failed but never will i be afraid to love again...

to love again is to give myself not only a chance but for me to love more...

love is the only reason to live and that love should never fade no matter what...

what matters is the openness to see the beauty of life beyond hardships of living it out...

ITAGO MO AKO

Itago Mo ako sa lilim ng Iyong kandungan, sa bisig na nag-aalab...

Yapusin ako sa luwalhati ng Iyong paglingap, sa dibdib na nagniningas...

Suyuin ako ng lambong ng Iyong pagtangi, sa pusong naghahatid ng ligaya...

Itago mo ako sa pag-ibig na di magwawaliw, sa pagsintang kapantay ay langit...

TANDAAN

Tandaang sa paghihintay aynahuhubog ang isang pusok nananabik sa mas magiliw na pag-ibig...binubuhay ng bawat sandali ang himaymay ng di mawawaring ligaya...

Ito ang paghihintay na walang kapaguran sapagkat sa pagsapit ng dapit-hapon ay mag-aabang ang muling pagsilay ng umagang hatid ay katuwaan ng puso...

SERENITY

Serenity is a moment to find calmness of heart and soul beyond the devastating and disturbing picture of society made by man according to their will...

the world is full of tranquility and melodious ambiance to interfere the roaring thunder of man made-illusion of life...

life is full of mystery, never learn to stop it and create its own meaning...

NAWA

Nawa'y sumilay ang bukang-liwayway sa bawat puso na maghahatid ng hindi malilirip at hindi mawawaring pagsintang tunay...

Sunduin nawa sa talulot ng pag-asam ang kasiphayuang binabad sa tamis ng pag-ibig na busilak...

Nawa doo'y masumpungan ang kapanatagan ng kaluluwa't hihimlay sa kandili ng mapagpaubayang pagmamahal...

IF

If at the end of a rainbow there is a golden pot of joy and eternal peace, i will search its hiding place...

If at the end of a dark tunnel i will calmness and serenity of paradise, i will walk even obstacles i need to pass by...

If at the arms of a TRUE BELOVED i will find love and real compassion, i will enter the narrow path and face hindrances to be with His presence always...

HALINA

Halina't ating pagsaluhan ang PAG-IBIG na wagas upang sa dapit-hapon ay malasap ang ligayang hindi magmamaliw...

BIHAGIN

Bihagin ang damdaming minsa'y nawalay sa IYOng aruga...
muling pasiglahin ang pag-asam sa hiwaga ng Iyong pagkalinga...
pagkat sa piling MO lamang madarama ang tunay na ligaya...

IF I COULD

If I could bring a thousand roses in the bouquet of God's bosoms as symbol of my fidelity and humble submission...
I will offer a thousand lives, if i have, to be in the greatness of my soul...

THE WORLD

The world is beautiful on those who see it that way but not worthy to live with for those who don't want to see its beauty...