Friday, December 18, 2009
TULOY
KAGANAPAN DAHIL SA PAG-IBIG
BIHAGIN
SULOK NG PANGARAP
IGUHIT
LANGIT
MAGULO
BISIG
Tuesday, December 8, 2009
MASDAN
Doo'y masususmpungan ang kahinahunan
Doo'y masisilayan ang kaligayahan
at doo'y madarama ang wagas na pag-ibig
Wednesday, November 25, 2009
PROBLEMS
Tuesday, November 24, 2009
KAHULUGAN
Masisilayan ang katangiang kikintal sa pangarap
Malalasap ang kahulugang pinatimyas ng Pag-IBIG
IKAW ang tanging kahulugang magpapasigla kailanman
PAG-IBIG MO
Anurin ako ng diwa MOng balot ng hiwaga't lamyos
Sisirin ako ng pagsuyo MOng dalisay hanggang aking kaluluwa
At ipadama sa akin ang PAG-IBIG sa talulot ng aking pag-iisa
IKAW ang PAG-IBIG kong itatangi magpakailanman
Sapagkat IKAW lamang ang nagpahiwatig nitong katuturan
Kaganapan ko'y IKAW ang siyang nagpahalaga
At buhay ko'y binigyan ng LIGAYAng pagsidla'y wala
Saturday, November 21, 2009
the secret
Monday, November 16, 2009
SABI NILA
A DAY with YOU
The flower blooms in the mist of sunrise
The bird sings in the melody of the wind
The leaf dances in the sweetness of the dew
I am fully alive and my soul lifts high in the mystery of YOUR LOVE...
Friday, November 13, 2009
SISIDLAN
Iduyan ako sa lawak ng pangarap na di malilirip ng masintahing mga taludtod ngunit kung sadyang matimtiman yaring pagsuyo'y buong puso't kaluluwang sa IYO'y maghahandog...
PAG-IDLIP
hahangarin kong maidlip ng habang panahon kung ang katuparan nito'y pangarap ng pagsintang tunay...
Wednesday, November 11, 2009
REASON
sometimes, there are incidents in our life that occurred not because God willed it to happen to us but people behind us did it to happen...
God's will is to let us be complete and happy but failure in life
doesn't mean God allowed it to happen for a purpose...
not everything has a reason to believe, the only reason to believe is love and loving that LOVE more intimately...
Tuesday, November 10, 2009
BAKIT?
Bakit kailangan ng hamog upang mamukadkad ang bulaklak?
Bakit kailangan ang darang ng araw upang paniwarain ang mga dahon?
Bakit kailangan ang PAG-IBIG upang maging tunay na maligaya?
DAPITHAPON
doon KITA hihintayin upang malasap ang tamis ng pagsintang hindi magmamaliw
sa dapit-hapon...
doon sa may dalampasigan ay hawak-kamay tayong magtatampisaw sa alon
sa dapit-hapon...
doon ay masusumpungan ang hiwaga ng PAG-IBIG na IKAW at ako lamang ang makadarama
sa dapit-hapon...
doon ay tutuklasin natin ang kalaliman ng ating mga kaluluwang pinagsugpong ng tinitibok nitong puso
Wednesday, November 4, 2009
KEEP ON
IF EVER
FALLING in LOVE
fall like it is the best thing that ever happened to your life
the neverending joy within your heart is the truth of being fell in LOVE
NEVER STOP
For you will know many people are looking at you and see you as an inspiration in their respective lives. Keep on moving forward.
Your life matters!
Monday, November 2, 2009
GAANO KATANGGAP?

Minsan o kadalasan ay sinusukat natin ang pagkatao ng ating kapwa sa kung ano ang kanyang pinag-aralan at kung ano ang antas niya sa lipunan. Minsan ang mga katangiang taglay ang nagiging batayan at pamantayan natin sa pagtingin sa ating kapwa lalu na kung paano natin sila pakikibagayan. Mas nakakalamang sa atin na makipagkapwa sa mga taong sa tingin natin ay pakikinabangan sa mga darating na panahon. Ah, isang makasariling pagtingin!
Maraming magagandang aral ang kwento ng buhay. Marami ang mga pangyayari na nagpapakita kung gaano talaga kadakila ang isang tao. Isang pamantayan na sa hinagap ay hindi sumasagi sa mga taong sarado ang pagtingin sa totoong pag-iral ng pananalig. Minsan nga sa isang bahaginan ng buhay ay napagtanto kong ako pala ay hindi karapat-dapat man lamang na makinabang sa mga malalalim na pakikihamok sa buhay at sa pag-alpas sa mga dagok nito. Punong-puno ng mga teorya at pagtinging akademiko ang aking isipan sa mga taong kaharap ko. Biglang ako ay napipilan sa mga kwentong ibinahagi. Hindi sinaklaw ng aking pagtatama ang kanilang hinaing ngunit ang mga ito rin pala ang magmumulat sa akin upang saliksikin ang lalim ng aking pagkakaunawa at tunay na nilalayon ng aking puso.
Gaano ko nga ba katanggap ang aking sarili? Gaano ko katangagp ang aking pagkatao? Gaano ko katanggap ang aking nakaraan? Gaano ko katanggap ang aking kabuuan? Mga tanong na sumiksik sa aking isipan upang kaipala'y damhin ang tunay na nararamdaman. Ang mga taong walang ibang alam kundi ang sundin ang indayog ng buhay ang sila pa palang magmumulat ng aking mga mata sa kung gaano ko katanggap ako bilang ako. Ibang tao pa rin pala ang magsasabing napakaganda ng buhay kahit na ito ay dumaan sa mga pagsubok. Ang buhay ay puno ng kulay at waring nagpapanday lamang upang mas lalong maging makabuluhan ang pakikipagkapwa-tao.
Kung tutuusin ay isa lamang iyong umpukan at pagbubulay-bulay hinggil sa pagbasa sa sulat ni San Marcos (Marcos 9:37). "Ang sinumang tumatanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay hindi lamang ako ang kanyang tinatanggap kundi pati na rin ang nagsugo sa akin." Ipinapahayag dito kung paano nga ba tumanggap. Gaano nga ba katanggap ng isang tao ang Diyos lalu na ang kanyang kapwa? Ang kapwa sa pagbasang iyon ay nakatuon hindi lamang sa pagtanggap ng isang tao sa mga bata bagkus ay yung tinatawag na package deal na lahat ay kasakop nito. Kapag ang isang tao ay tumanggap ay tumatanggap ng ganap at buobg-buo.
Malalalim ang mga kasaysayang aking narinig ngunit isa rito ang nakaantig ng aking damdamin. Wika nga ni Marisa, "Ex-convic ang kapatid ko at hindi ko ito ikinakahiya." Ipinagpatuloy nya na sa kabila ng naging katayuan ng kuya nya ay ipinagmamalaki nya ito. Tanggap nya na nakapatay ang kuya nya dahil sa pagtatangol sa iba. Sabi pa nga niya noong makalaya ang kuya nya ay kung ano-anong pandudusta ang naririnig niya ngunit sa kabila nito ay nakita nya na ang kuya nya ay mayroong puso para maglingkod. Hindi na raw kailangan ng kuya niya ang bibliya para isabuhay kung ano ang nasa loob niyon. Siya mismo ang bibliyang nagsasbuhay nito. Isinalaysay niya na mula ng makalaya ang kuya niya ay mas lalo siyang naging malapit sa mga taong pilit iniiwasan ng lipunan. Madalas nga raw magalit ang kuya niya kapag animo ay nilalayuan nila ang mga galing sa bilangguan. Nakita niya kung paano binigyang halaga ng kuya niya ang isang taong pagala-gala, marungis at may sayad sa utak. Ito ay kanyang pinakakain at pinapaliguan. May mga pagkakataon pa nga na ang kuya niya ay naggugupit at naglilinis ng kuko ng mga matatandang hindi na naasikasong gupitan ng kuko ng mga anak. Sabi nga ni Marisa ay ito ang tunay na paglilingkod. walang tinatangi at walang kinahihiya. tanggap ang pagkatao lalu na ang pagkatao ng iba at handang ihandog ang sarili kahit na ito'y mas magmukhang aba pa sa pinaglilingkuran.
Totoong ganito ang tunay na paglilingkod. Kailangang may tunay na pagtanggap sa pagkatao at kalalagayan ng iba. Ika nga ni Hesus, "kung sino ang nais maging una ay kailangang maging huli." (Marcos 9:34). Ang paglilingkod ay isang paghahanda sa sarili upang sumugal at upang mas lubos na maunawaan ang kalalagayan ng iba tao. Wika nga sa English, "You bring nothing except yourself and just yourself when dealing with people." Ang paghahandog ng sarili ay hindi nangangailangang maging martir ng pananampalataya bagkus ay maging tunal na alay na nagmumula sa Diyos. Isang biyaya na naglalahad ng mas makabuluhang buhay para sa iba. "Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos,sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit(Mateo 5:2)ngunit kaakibat nito ang pakikinig sa salita ng diyos at tunay na pagsasagawa nito.Ito lamang ay nagpapatotoo na walang magagawa ang kaalaman kung walang pagsasabuhay nito. Minsan ang pagtuturo ay hindi sa mga mabubulaklak na pananalita kundi sa makataong paghahandog ng sarili. Makakmatan lamang ang langit kung langit mismo ang ipinapakita sa mga pinaglilingkuran. Ganito ang kailangang pagtanggap sa sarili. Ang mga kaalaman ay ttitimbangin tila walang laman upang maunawaan ang kahalagahan ng paglilingkod at paglubog sa tao, sa ano mang uri at kalalagayan sa lipunan. Ang pagtalima sa pag-aalay ng sarili para sa kapwa ay hindi lamang sumasawsaw bagkus ay lumulubog rito at kung maaari ay bababad pa upang tunay na masimsim ang talagang lasa ng paglilingkod. Ang pagtingin ay wala sa sarili bagkus ay kung paano ang Diyos ay mabubuhay sa pamamagitan ng sarili.
Sunday, November 1, 2009
IN SILENCE

It is in silence that we can feel the presence of the Lord but silence is asking us to be more attuned with the beating of our hearts.The beating of our hearts tell us what's inside of it. Our hearts asking us to be more open to God in His mystery. Because, only those with open hearts will receive the mystery of God in contemplation...
Silence can be our facade to hide the true feelings that we have and our hearts remain troubled.The silencing before God is the way to nothingness, in the emptiness where God can penetrate and own our being and all our senses.
Silence allows us to experience the joy of being with God and share it with much love. In silence we can find God's mercy, love and never ending compassion.
MAGSIYASAT
ANG PAG-IBIG

Ang PAG-IBIG ay may pagkakataon at takdang panahon
Masisilayan ito sa tinadhanang oras na hindi namamalayan
At doo'y iaalay ang isang kaganapan pinakintal ng kamalayan
PAG-AALAY
Kung nais mong madampian ang lalim ng aking pagkatao'y damayan ako sa himlayang kulimlim at doo'y matatagpuan akong nag-aalay ng buhay mula ulo hanggang paa...
PAGKAKATAON

May darating na sandaling hindi natin inaasahan
Isang pagkakataong nagaganap upang magdulot ng tunay na ligaya
Isang PAG-IBIG na wagas at tunay na hindi dapat ipagwalang-bahala
Dahil baka hindi na dumating pa
MY VOCATION

My vocation is to LOVE more than I can do
LOVE to bring peace
LOVE to give understanding
and LOVE to show compassion perfectly
Friday, October 30, 2009
SANA
Sana sa bawat paghaplos ng palad na nanunuyo ay maipalasap ang katangiang binabalot ng mga pangarap na busilak...
Sana sa bawat pagsibol ng pag-ibig sa puso ay maabot ng bawat taong nagmamahal ang kaluluwa ng bawat isa...
Wednesday, October 28, 2009
HINDI DAHIL
bagkus magmamahal ako dahil kailangan kong magpadama ng PAG-IBIG...
Uunawa ako hindi upang ako ay maunawaan
bagkus uunawa ako dahil kailangan kong mag-alay ng kababaang-loob...
Magmamalasakit ako hindi dahil kailangan akong pagmalasakitan
bagkus magmamalasakit ako dahil kailangan kong maghandog ng aking buhay...
Maglilingkod ako hindi dahil kailangan akong paglingkuran
bagkus maglilingkod ako dahil kailangan kong matutuhan ang pagpapakumbaba...
IF LOVING YOU
I will stay in your arms always
I will let my body be enveloped by yours
And allow my soul be penetrated by yours
If loving you means a lifetime
I will fall in your compassion every time
I will let you seduce me all the time
And own my spirit as your only possession
UMAGA ng ISANG PAG-IBIG
Ang ihip ng hangi'y ang yakap kong anong lambing at makakabig
Ang halumigmig ay halik ng aking pagsintang anong tigib
Na siyang magpapasigla sa hiwaga ng buhay mong tangan sa dibdib
Ako ang larawan ng isang katangiang malalasap
Ang hagod ng tingin kong banayad ay tanging paglingap
Sisiphayuing tunay ng ngiti tanging pinapangarap
Sa siwang ng puso'y tataglaying walang pagpapanggap
Ang umaga'y simula ng yugtong sumisibol lagi
Hinulma sa pamumukadkad ng rosas sa harding tangi
Unti-unting pinanalaytay ang bangong tinatangi
Upang kaipala'y masamyo ng puso na maluwalhati
Halina aking irog tayo ay maglakbay sa ligaya
Landasin ang pagsuyong walang maliw ang pagsinta
Ihahatid kita sa paraisong walang kasingganda
Upang doo'y masumpungan akong nag-aalay tuwina
Tuesday, October 27, 2009
SPRING OF LOVE
DAHIL SA PAG-IBIG
Dahil sa PAG-IBIG ang buhay ko'y nagkaroon ng kahulugan, hindi para maunawaan kundi para umunawa,
Dahil sa PAG-IBIG ang hangarin ko'y mamalas ang ganda ng mundo sa kabila ng nag-aalimpuyo nitong kahinaan,
Patuloy akong aasang ang ligaya'y matatamasa kung ang gunita't damdami'y parati ng magkaugnay ng dahil sa PAG-IBIG.
TAKE YOUR TIME
JOY will be built like files of bricks in your heart
Harden to form a magnificent creation of LOVE within your soul
Take your time slowly because in silence you will reach eternity
Monday, October 26, 2009
SOMEWHERE
Somewhere in my past I fell in LOVE with YOU who promised to own me forever
and Somewhere behind our stories, I am the only one in YOUR heart
BE HOLY
Silence enveloped my soul searching my inner being.
With joy in my heart I replied, "I will be faithful with YOU no matter what, my Lord and my God."
IF YOUR LIFE
LOVE and do what you will as God wiled for you to do so...
Tuesday, October 20, 2009
KUNG
YAYAKAPIN KO ANG KARUKHAAN UPANG MAABOT KO ANG IYONG PAGSUYONG DALISAY
KUNG ANG LALIM NG PUSO MO AY KATUPARAN NG AKING KATUTURAN
SASALIKSIKIN KO ANG KAIBUTURAN MO UPANG MAG-UGNAY KAPWA NATING KALULUWA
Monday, October 19, 2009
IF I WILL WAIT
I will wait in a bay during sunset while darkness begin to enveloped the horizon
Hearing the music of sea waves dancing with the winds of compassion
Allowing my body to be touched by the cooling breeze of sensation
If I will wait for the time that our body will be together
I will wait in my solitude,from head to foot I am naked all over
I am offering my everything just to be united as one with YOU forever
In a mystery where I will find completeness and joy never ends, never
If I will wait...I will wait until I reach the heaven of my reality
I will allow your hands run down my body's contours intimately
As if no one owns it except YOUR tender touch so heavenly
If I will wait...I will wait with all expectancy
Saturday, October 17, 2009
I FOUND YOU
In a society that changing too fast...I found YOU
In a world that seems nothing will last...I found YOU
YOU gave me reason to live and see my life more than I can bear
YOU created a world beyond my imagination where everything so happy and bright
YOU made me feel so important more any precious stones
The diadem in the skies sparkling through the night because I found YOU
The joy within my heart can not be compared when I found YOU
YOU are my all and my everything when I found YOU
Tuesday, October 13, 2009
YOUR CROWNING GLORY
Friday, October 9, 2009
SA KABILA NG LAHAT
LISTEN
Wednesday, October 7, 2009
IN THIS SOLEMN NIGHT
In the midst of noise, I allow things become music in my heart
Everything that surrounds me is a mystical reality of my being
Engaging my spirit to the peak of my senses
Oh, what a solemn night it is...I never though I will experience
To be free like an eagle spreading its wings in the skies
Flying above the green earth with joy and love
And reaching the heaven of my identity
Yes it is a mystery in itself, my life is full and vibrant
Towards the melody of my sincere identity
I am who I am in this solemn night,
Owning myself in the arms of my Beloved
Tuesday, October 6, 2009
MY ONLY DAY
IN MY BELOVED ARMS
YOU
I CAN NOT
INTO the Bosom

IF I CAN BRING HUNDREDFOLD OF SOULS INTO THE BOSOM OF MY BELOVED THROUGH MY PRAYERS, I WILL PRAY ALL MY LIFE...
IF I CAN FEEL THE JOY OF TENDERNESS WITH LOVING UNCONDITIONALLY, I WILL LOVE MORE THAN I CAN GIVE...
Monday, September 28, 2009
AKO'Y IDUYAN MO

Ako'y iduyan Mo ng Iyong pagmamahal
Paglalambing Mo'y aking hinahanap
Sa bawat pagdampi ng Iyong mga kamay
Aking nadarama isang kaganapan
O aking Mahal, tayo'y mamasyal
Sa dalampasigan puso'y magkayakap
Sa isang sumpaang magmamahalan
Hanggang sa dulo na walang hangganan
Chorus:
Ako'y iduyan Mo sa pag-ibig Mo
Kandungan Mo ang aking pagsuyo
Ako'y iduyan Mo sa bawat sandali
Sa damdamin na wagas, ako'y iduyan Mo
Ako'y iduyan Mo sa isang awitin
Pangarap na magbibigay pag-asa
Sa bawat oras ng pag-iisa
Aking hahanapin ang Iyong paghahayag
O aking Mahal,ako'y Iyong iduyan
Sa tamis ng Iyong pagmamahal
Kupkupin ako ng Iyong mga kamay
Sa hiwaga ng pag-ibig na may liwanag
repeat Chorus
Ako'y iduyan Mo (sa ihip ng hangin)
Ako'y iduyan Mo (sa tamis ng Iyong halik)
Ako'y iduyan Mo, o aking mahal
PAGKAING NAGBIBIGAY-BUHAY (Juan 6: 24-35)

Sino po sa atin ang hindi nagugutom? Sino po sa atin ang hindi nauuhaw? Lahat po tayo ay nakakaranas nito sapagkat ito ang pangunahing pangangailanagn ng ating katawan para mabuhay…Kumakain at umiinom tayo para mabuhay…para magpatuloy sa pakikipagsapalaran sa buhay.
Kung atin din pong mapapansin, ito rin ang kadalasang katanungan natin kung pagbabasihan ang kulturang Pilipino…Kapag may dumating tayong bisita sa bahay ay agad nating tinatanong kung, “Kumain ka na ba? o Nauuhaw ka ba?” Sumagot man o hindi ay pipilitin nating paupuin sa hapag at paghainan ng anumang makakain o maiinom… Ganyan po tayong mga Pilipino…Ganun din po tayo tinatanong ng Diyos…Tinatanong Niya kung tayo ay kumain na o uminom na? Inaalala Niya kung tayo ay nabusog na o natighawan na ng uhaw. At walang pasubaling pagkakalooban Nya tayo kahit hindi pa natin sabihin.
Malinaw sa unang pagbasa kung paano mahimalang pinakain ni Yahweh ang mga Israelita sa ilang ng subukin Siya sa pamamagitan ng pagrereklamo kina Moses at Aaron. Hinambing ng mga Israelita ang kanilang kalalagayan noong sila ay nasa Ehipto at pinamumunuan ng Paroah ngunit sagana sa pagkain samantalang dumaranas ng gutom at uhaw sa ilang sa pagsunod sa Diyos. Daman g Diyos ang pangangailanagn ng tao kaya’t si Yahweh ay kagyat na TUMUGON NG WALANG PAG-AALINLANGAN. Nagpakain Siya ng manna o ma ha na ang ibig sabihin sa Hebreo ay “Ano ito?” Ito’y isang paraan ng pagpapakita ng Diyos sa Kanyang KAGANDAHANG-LOOB.
Sa Ebanghelyo naman ay pinatutunayan ang muling PAGTUGON NG DIYOS NG WALANG PAG-AALINLANGAN sa pamamagitan ni Hesus. Sinasalamin sa pagbasang ito na ang susi sa biyaya ni Hesus ay PANANALIG na siya ang isinugo ng Ama at ang salita na nagbibigay-buhay. Ang sinumang mananalig sa Kanya ay makakasumpong sa katotohanan ng pag-iral ng Diyos. Sa pagbasang ito ay nilinaw ni Hesus na hindi si Moses ang nagbigay sa kanilang mga ninuno ng manna kundi ang Diyos. Ang manna ay hindi mismong ang tinapay ni Yahweh kundi simbolo lamang ng tinapay ni Yahweh. Ang tunay na tinapay ng Diyos ay ang pumarito sa lupa buhat sa langit na hindi lamang nagbigay ng pagkaing makakapawi ng gutom ngunit higit sa lahat ay NAGBIBIGAY BUHAY. Ipinaliliwanag Niya na ang tanging makakapalis ng kagutuman ay Siya.
Bilang tao, marami tayong uri ng PAGKAGUTOM AT PAGKAUHAW… pagkagutom at pagkauhaw sa MATERYAL NA BAGAY na nagbubunsod sa atin para gumawa ng masama tulad ng pagnanakaw sa maliit o malaking bagay… pagkagutom at pagkauhaw sa KAPANGYARIHAN kaya’t nagagawang gamitin ang kapangyarihan upang umabuso at mangurakot…pagkagutom at pagkauhaw sa PAG-AARUGA AT PAGKALINGA kaya ang iba’y nawawalan ng pag-asa at napipilitang kitlin ang buhay… pagkagutom at pagkauhaw sa PAG-IBIG kaya’t hinahanap ang pagmamahal sa barkada, bawal na gamot at pag-kapariwara…at kung kung minsan pagkagutom at pagkauhaw sa DIYOS kaya’t kadalasan sa pagdating ng mga pagsubok ay agad ginugupo at sinisisi ang Diyos, kung minsan ay lumilipat ng relihiyon at sasabihing doon nila natagpuan ang Diyos.
Ito ang ating mga PAGKAGUTOM AT PAGKAUHAW subalit ang Diyos ay tinutugunan ang mga bagay na ito. Ang Diyos ay natatagpuan dito…dito sa puso ng bawat isa sa atin. Wika nga ni Sta. Teresa ng Avila, “Ang Diyos ay SAPAT na.” Manalig lang tayo. Si Hesus ang pagkaing nagbibigay-buhay. Siya ang TUGON NG DIYOS NA WALANG PAG-AALINLANGAN. Bakit hindi natin buksan ang ating mga puso sa pananampalataya sa Kanya? Kung ang Diyos sa pamamagitan ni Hesus ay tumutugon sa atin ng walang pag-aalinlangan, ganun din po kaya tayo? Wala nga bang pag-aalinlangan o agam-agam ang ating pananampalataya sa Diyos. PANANAMPALATAYA sa pagkaing nagbibigay-buhay ang tanging hinihiling sa atin ng Diyos. Sana wag tayong mag-alinlangan tulad ng Diyos na walang pag-aalinlangan sa atin sa pagbibigay ng Kanyang KAGANDAHANG-LOOB na walang iba kundi si Hesus. Sana kapag tinanong tayo ng Diyos kung kuamain na tayo ay tumugon tayo ng “OO” ng may PANANAMPALATAYA. Pananampalataya ang ating daan tungo sa pagtuklas sa pagkaing nagbibigay-buhay.
Friday, September 25, 2009
WALK WITH ME
This is my promise to you, I will be with you forever
Do not loose hope, just walk with me
I will always be there to comfort you
Believe with my words that last forever
I will always around to understand you in your trouble
Walk with me, whenever you can
But promise I will carry you if you can no longer do
I will be your feet in every trials of life
To stand always beside you when you're feeling down
I am with you no matter what kind of life brings to you
Just walk with me, my child.
TAGLAGAS SA TAGSIBOL

MAALIWAS NA UMAGANG KAY GANDANG MASDAN
ANG BATIS NA MAALON AY KAYSARAP PAKINGGAN
ANG SIMOY NG HANGIN DALA AY PAGLINGAP
SA PUSONG NANANAWAGAN SA PILING NG SINTANG IBIG
PAKINGGAN...PAGMASDAN...TILA MAY BUMABAGABAG
LAYAK SA LUPA'Y NAGKALAT NA WALANG BABALA
SA PAGSIBOL NG KALIKASAN AY DAGUNDONG NG TAGLAGAS
PINAPAWI ANG LIGAYANG HATID NG PAGSILAY
ITO ANG TAGLAGAS SA TAGSIBOL NA HINDI PANGKARANIWAN
SUMASABAY SA PAGSULPOT NG PAG-ASA ANG PAGKITIL NITO
NABABANAAG SA SIWANG NG MGA SINAG ANG KULIMLIM
NAGBABADYA NG ISANG MALUMBAY NA KAGANAPAN
ISANG KARANASANG MAY SUMPANG TANGAN
AYAW MAN DING PASIBULIN ANG KABUTIHANG TAGLAY
HANGAD LAMANG AY ISANG MAKASARILING NASA
UPANG ANG IBA'Y MANATILING BULID SA KADUSTAAN
ITO ANG AKING KAPALARAN SA LANDAS NG KABANALAN
IBINULID SA PAGKAKASALANG, HINDI KO GINAWA
ABO'T NA SANA ANG PAGSILAY NGUNIT DAGLING KINITLAN
BUHAY AY HINUGOT AT DI NA NAGAWANG LUMAGO
LUMBAY

Dito sa kawalan ay natagpuan ko IKAW
Nagdulot ng ligaya sa lumbay kong taglay
Isinalarwan ang pag-ibig namakulay
Siniphayong malinaw tulad ng matimyas na pagsuyo
IKAW ang katangiang pumawing lumbay
Ipinadamang ako ay busilak at may pusong banal
Dakila ang damdaming IKAW ang nag-alay
Sa IYO ang tunay na liwanag ay natagpuan
Lumbay man ay kapisan di ko alintana
IKAW ang magiging moog ko't lakas
Sandigan sa buhay na puno ng pasakit
Subalit sa IYO ako ay may kahulugan
THERE'S A TIME FOR US
There is a time for everything
For the moment to breath
For the moment to express
For the moment to heal
There's a time for us
To see the beauty of nature
To feel the tenderness of compassion
To understand the meaning of every events
And to live a life that's full
There's a time for us
To claim our own being
To seek the truth of our existence
To be as we are in real
And to raise ourselves with the value we deserve
SALAMAT

ANG BAWAT ISA AY MAY MINIMITHI
PANGARAP NA KAGANAPAN ANG SIYANG IBIG
AKO AY NAMULAT SA KATOTOHANAN
ANG DIYOS ANG TANGING SANDIGAN MAGPAKAILANMAN
MAARING HINDI BATID NG MATANG MAPANGHUSGA
ANG LALIM NG PUSONG SUKATAN AY PAG-IBIG
PAGSUYONG NILALAYON AY TUNAY NA KALIWANAGAN
SA PILING NG DIYOS KO LANG NATAGPUAN
MASALIMUOT ANG BUHAY, PUNO NG PAGKUKUNWARI
KABALINTUNAAN ANG KADALASANG NAMAMAYANI
NGUNIT SA DAKILANG LUMIKHANG NAKABABATID
WALANG PAGSIGLANG LIGAYA ANG MAKAKAMTAN
SALAMAT, SALAMAT SA ISANG PAGLAYA
IPINAKITANG PILIT ANG TUNAY NA LIGAYA
SA PILING NG AMANG TUNAY NA NAGPALA
SA BUHAY KONG ITO, WALA NG HAHANAPIN PA!
Tuesday, September 22, 2009
PAGLALAKBAY
NILISAN ANG NAKASANAYANG BUHAY NA DI GANAP
UPANG KATAGPUIN ANG LIGAYA NG PAG-IBIG
SA KANDUNGAN NG PAGSUYONG WALANG MALIW
BAGAMAT MAHIRAP TAHAKIN AY PINILIT ABUTIN
MAKAMTAN LAMANG ANG INAASAM NIYARING PUSO
SA DALISAY NA PAGSASALING-PUSO, NATAMO ANG KAGANAPAN
PAGKATAONG HINANGAD AY NABIGYANG KATUPARAN
NGAYON, AKO AY MAGLALAKBAY SA ISANG PAGWAWALAY
MAY BIGAT SA DIBDIB SUBALIT MAY KATIYAKANG TANGAN
SISIMULANG KUMPUNIHIN NAPUNIT NA KARANGALAN
IBABANGON KAPAGDAKA SA LAMBONG NG WAGAS NA PAG-IBIG
BABAUNIN KO'Y ALA-ALA AT KATANGIANG PUMANDAY
SA MASINTAHING PAGLALAKBAY, WALANG PANGHIHINAYANG
MASAKIT SA SIMULA ANG PAGWALAY NGUNIT MOOG AY MATIBAY
SAPAGKAT HATID AY KATOTOHANAN AT WALANG KASINUNGALINGAN
PAGMALAY SA BULONG NG SIMOY
Binata’t sinuong ang paglalakbay, pangarap ay kapanatagan
Kaisang kalakbay sa landas ng kabanalan ang pananagutan
Mga adhikaing malaon ng sinususog at pinaglalaban
Tumugon kapagdaka sa isang simulain ng pakikibaka
Sa saliw ng pakikihamok sa bundok ng Karmelo’y nagpasya
Sa pagkawalay sa pamilya’y tiniis at di inalintana
Mapanindigan lamang ang sa puso’y malaon ng nasa
Dumanas ng mga pagpapanday sa isipang malaya
Sa pagmalay ay namulat ng may katangiang kasiya-siya
Ang mga pananalita’y hinugot sa matalas na isipan
Upang maipakitang may kaangkinan at sadyang kakayahan
Dumating ang sandaling nangakong tumalima habang buhay
Isatinig at isabuhay ang tunay na kahulugan ng buhay
Upang maging huwarang totoo sa sangkatauhan
At tunay na magsilbing salamin ng landas na may kahulugan
Ang panahon ng pagdama sa bulong ng simoy
Ay nagsilbing hamon sa pagsasakatuparan ng daloy
Ang pangako ng pagsunod sa atas ay sadyang dinalisay
Upang sa pagpatuloy ng bagong paglalakbay ay tunay na magmalay
PANGARAP
Ngunit sadya yatang tadhana'y malupit
IKAW sa akin ay tila mailap na lawin
Kahit sa pitik-mata'y ayaw magpapansin
Ako'y umaasam sa sandaling pinapangarap
Bagamat walang kahihinatnan, ako'y sadyang magbabantay
At kung sakaling isipa'y magbago ng ihip
Ang puso kong ito lagi nang naghihintay
Ikaw ang pumukaw sa pihikan kong damdamin
Kahit sa pangarap, Ikaw ay aking sisiphayuin
Kung palaring tugunin, ligaya'y walang maliw
Sapagkat PANGARAP kong iKAW lagi ang kapiling
Mahalin Mo lang ako'y tunay na tutugon
Sa pagpapaubayang Pag-iBIG ang handog
Sapagkat ang rurok ng aking kaganapan
Malambungan ng pagsuyong IKAW lamang kailanpaman
LUPANG TIGANG
Naghihintay sa ulan upang madiligan
Said na lalamuna’y nais mabahiran
Banayad na damping pag-asa ang lulan
Nanunuyot na bulaklak ang larawan kong alay
Walang nagpapasariwa sa halimuyak na taglay,
Lambong ng pagsuyo ang tanging inaasam;
Upang aking madamang ako’y may katuturan.”
Ito ang kalalagayan ng minamahal kong bayan
Walang masilungan, walang masumpungan
Tila isang lito sa pag-asam ng kalayaan
Tangis ay hanggang langit sa yinurakang kadalisayan
Ilang panahon pa ang daranasing sakit
Hinagpis at dusang walang pagkit
Sino ang hahango? Sino ang gagapi?
Sa mapang-aliping mananakop, walang pinipili
Hanggang kailan? Hanggang saan?
Ang pagtangis ng minamahal kong bayan
Sa sulok ng puso’y wala bang pagmalay
Isigaw at ipaglaban kanyang karapatan
ISLA RAPU-RAPU
Masusumpungan, islang pinagpala ng kalikasan
Isang pugad ng mayamang likas-yaman
Isang paraisong handog ng Bathalang Maylalang
Ito’y larawan ng mabunying pagpapala
Iniukit upang idibuho ang pamayanang malaya
Puspos ng pag-ibig at tunay na ligaya
Sa pusod ng karagatan, nilambungan ng hiwaga
Ngunit ngayon, masdan yaring kulay
Dagat nito’y tila wala ng buhay
Isda’y namamatay, hindi makarugtong ng buhay
Sa musmos na sikmura’y wala ng maialay
Tanawin ang kabundukan, hindi na luntian
Hangi’y di mawari ang simoy na tangan
Lumalason sa panghinga’t dibdib ay nanghihina
Walang ibinubugang kaganapan ng pagtalima
Lupa’y nalason at walang ibinubunga
Maaari pang gumuho’t pumatay na bigla
Isang katotohanang di dapat ipagwalang-bahala
Ito ba’y niloob at iniadya ni Dakilang Bathala?
Oh, Isla ng Rapu-rapu, nasaan ang iyong halina?
Tila lumuluha’t humihingi ng awa
Kupkuping muli ng mga kamay na nagpapala
Upang dakilaing tunay ng mamamayang dapat na managana
ISANG HILING
Ihilig yaring aking pangako sa IYONG pagkabayubay
Ako'y maglalakbay na IKAW ay kaagapay,
Sapagkat wagas ang PAG-IBIG MOng sa aki'y nakalaan...
Ako ay tutugon bagama't may kaba
Tunay na magpapatuloy sapagkat IKAW ang ligaya
Nawa'y tunay na magtagpo,kapwa nating puso
Upang sa pagsilay ng magandang bukas, IKAW ang kasuyo...
Samyuin ako sa talulot ng aking kahinaan,
Hagkan ang kalaliman ko sa sintang nilalaan
Ako'y handang tumugon ng walang pag-aalinlangan
Sapagkay batid kong KAPAYAPAAN ang hatid ng IYOng PANGALAN..
Siphayuin ako ng IYOng mabatid
Ang katotohanang sa IYO nga nanggagaling,
Sisidlan akong pinupuno ng IYOng paglingap
Kaya't sa himlayan ng pag-iisa, ako'y IYOng hanguin...
Salamat, salamat...sa isang paanyaya
Sa pagpapaunlak sa isang talinghaga
Na may rurok ang lahat nating paglalakbay
IKAW at ako'y magsasamang tunay sa isang landasing katiwasaya'y walang hangganan
AND I FOUND YOU
Your thoughts so alluring that touch my heart
In a simple gesture of sincerity and thoughtfulness
You break my wall of defiance
I cannot control the moment but let you in my world
To a place of loneliness and full of pains
Yes, you may see me happy and always wear a smile
But try to look into my eyes to feel my soul
You might be asking why I am telling all of these
Because I found you worthy to know my stories, all written in tears
I hope you don't mind but your presence gives meaning to my life
To tell to myself that I am ready to face the world again
KUNG
Pagmamahal ko sa IYO'y magpupumilit
Aabutin hanggang sa mga mata'y pumikit
Sa hapdi ng pagwawalay sa IYOng piling
Alam kong ang paraiso sa aki'y di laan
Subalit magpapatuloy hanggang sa kawalan
Sisikaping arukin ang pinid na damdamin
Dahil baka sakaling duon kita matagpuan
Sana'y huwag matapos ang panaghoy na sawing palad
Bagkus ang mga luha'y tipunin ng IYOng mga palad
Ihandog sa akin kung nararapat
Ang dalisay MOng pag-ibig na kay tapat
RAINBOW
I want to do it with YOU
To feel the heaven in our hearts
That belong for unity and peace
I want YOU to hold my hand
And guide it to the canvass of life
To choose the colors of the souls
That create the reality of inequality
I want YOU to be my eyes
To view the beloved people
Naked in the bountiful gift of nature
And abandoned by love and dignity
Penetrate my being
And enter within my heart
To feel the anguish and grieve
For freedom and true compassion
KATANGI-TANGI
Hindi magagap kung bakit pinagtagni-tagni
Ang mga pangyayaring huhubog sa ating katangian
Isinasalarawan sa makulay na damdaming pinakaingatan
Sa landasing hindi sinasadya
Dumating KAng pag-asa'y kasama
Upang ang mundo ko'y gawing makulay
Katulad ng harding pinagpalang tunay
Wagas at dakila yaring pagsasama
Katangi-tanging handog na ibig kong pasalamatan
Bagamat hindi MO kagyat na mauunawaan
Ngunit hayaang damdamin ko ay mangusap at sa IYO'y ipahayag
Ito ang sandaling nilayon ng tadhana
Maramdaman ko lamang kahit na isang sandali
Tunghayan ang tanda ng pagpapala
Ang kadakilaan ng pag-ibig na tunay na nagpapaligaya
Katangi-tangi ang pagkakataong aking nadama
Sa piling Mo'y naunawaan ang taglay Mong pagsinta
Pinawi ang luha ko't pati na bagabag at dusa
Sa kislap ng mga mata at masuyong mga ngiti, ibig kong humimlay sa kandungan MOng banal
ISANG SANDALI
Subalit ligaya'y di kukupas
Katulad sa isang kumpas
Pusong nabihag ay ayaw umalpas
Sinusuyo'y kaluluwa sa pusod ng kalungkutan
Na walang pagsasalang inarok ang kahulugan
Inihahayag ay dakilang tanda ng pagmamahalan
Ako'y narating sa luklukan ng aking himlayan
Salamat, salamat sa pagkakataong nalasap
Isang pagtatanging kapantay ay alapaap
Tinalunton mo ang diwa kong mailap
Upang maipahayag ang inaasam na paglingap
Ako'y narating sa ubod ng mga pangarap
Sa saliw ng musikang ikaw lang ang may likha
Ako'y nagdiwang ng walang hinala
Sa piling mo lamang nadama ang tunay na ligaya
PAGTATAGPO
Kaya dapat binibigyang halaga ang sandaling naaayon
Di dapat sayangin ang katiting na pagkakataon
Baka kasi mawala at di na natin madama ang nilalayon
Handugan ako ng matamis mong ngiti
Upang madama ang iyong pag-iral na tangi
Hayaang malambungan ako kahit sandali
Nang pag-ibig na kay tagal ko nang minimithi
MINSAN
Pagkakataong magkaroon ng tunay na kaibigan
Magbibigay lakas sa lumbay at kalungkutan
Sa puso kong malaon ng napiit sa hawla ng karimlan
Batid kong IKAW ay isang hiwaga
Ibinigay ni Bathala sa umaga
Upang pasilayin ang angking ganda
Niyaring puso kong balot ng dusa
IKAW ay ang minsang sinuyo ng pangarap
Pinagtiyap na larawang sininop ng PAG-IBIG
Tanging alay ay kandungang labis na inaasam
Sapagkat may katatagang sa bisig MO'y matagpuan
Ang minsan ay isang sandali
Pagkakataong mga puso'y nagmuni
Dinampian ng liwanag upang manuyo ng mayumi
At ako'y magdiwang, magpasalamt at magpuri
Salamat sa minsang tayo ay nagtagpo
Pinagsaluhan man di'y ligayang walang maliw
Ikaw ang aking dambana, ang katuparang walang kapantay
Magsasalo't magniniig kapwa nating kaluluwa
HILING
Sasaliksikin ko lalim ng dagat upang IKAW ay maaninag
Kung ang musika'y walang tunog sa tinig MOng malumanay
Susuyurin ko ang kabundukan, matagpuan lamang ang IYOng himig...
Ako'y maglalakbay saan mang dako
Upang matagpuan yaring tunay na pagsuyo
Aking babagtasin ang mga kadawagan
Madampian lamang ng matimyas MOng pag-ibig
Masasamyo ako tulad ng ligaw na bulaklak
Sa kaparanga'y mamumukadkad,bango'y walang kaparam
Upang muling buhayin, daluyan ng batis na maringal
At doo'y katagpuin ang bisig MOng nagpapalaya
Salamat...salamat sa isang pagpapaunlak
Binigyang sigla yaring pusong nalulumbay
IKAW sana'y makapiling sa ligayang walang maliw
Ngayon at magpakailan man, IKAW ang sisiphayuin
PAGWAWALAY
HAPLOS AY HINDI NA KASING TAMIS NG DATI
WALA NG DARANG ANG APOY NA NAGLALAGABLAB
AT HINDI NA NAKAKAPASO ANG BAWAT SANDALI
UMUUSAD ANG MGA ORAS NA WALA NA ANG DAMDAMIN
SA ISANG SUMPAANG TATALIMA HANGGANG WAKAS
NGUNIT KAILANGANG MABATID AT MAISAKATUPARAN
ANG NILALAYON NG PUSONG NALULUMBAY
PAGWAWALAY AY TULAD SA PAGPIGIL SA PAGPAPASUSO
ANG SANGGOL AY HINDI NA MAKASIMSIM NG GATAS NG INA
SAID NA ANG KAKAYAHANG MAG-ALAY NG PAGTALIMA
KAILANGANG MAGPATULOY AT TAHAKIN ANG BAGONG LANDAS
HINDI ITO KATULAD SA PAGSIKAT NG BUKANG-LIWAYWAY NA MAY SAYA
ANG PAIT AY BAON SA PAGSISIMULA NG BAGONG BUHAY
MASAKIT, MAHIRAP...NGUNIT KAILANGANG MANINDIGAN
ISATINIG AT ISAKILOS ANG NILALAYON NG PUSO BAGO MAHULI ANG LAHAT
MALAYO MAN ANG LALAKBAYIN PATUNGO SA KAGANAPAN
ANG BUHAY AY LAGING MAY LUNDO, HINDI LAHAT AY BANAYAD
KATULAD SA BATIS NA MINSA'Y MABABAW O DILI KAYA'Y MAALON
NGUNIT ANG HANGGANAN AY LAGING PATUNGO SA KAGANAPAN NITO
MAGWAWALAY...TAYO'Y MAGLALAYO SA ITINAKDANG PANAHON
NGUNIT DASAL KO'Y BAUNIN MO NA MAY PAGSUSUMAMO
IKAW AY MANANATILING NARIRITO SA ALA-ALA'T PUSO
'PAGKAT PAG-IBIG NA INIALAY TANGING SAKSI AY ANG LANGIT...
PAGNINIIG
UPANG ANG KATAWAN KO SA IYO AY IALAY
IHAHANDOG NG WALANG PAG-AALINLANGAN
KABUUAN NG HUBAD KONG KATAUHAN
AKO'Y UMAASANG IYONG IPADARAMA
SA IYONG KANDUNGAN ANG RUROK NG LIGAYA
SA KATAWAN KO'Y PAGLANDASIN, MGA KAMAY MONG MAPAGPALA
SA HUNGKAG SA KAMALAYAN ANG SYANG SA AKI'Y MAGPALAYA
ARUKIN ANG LANGIT NA SA TUWINA'Y ALAY NG IYONG MGA PALAD
SA BAWAT PAGDAMPI NG INIT NA NAG-AALAB
PUMUPUNO SA AKING KALULUWANG SA LAOT AY NAPADPAD
NA SA TUNAY NA PAGMAMAHAL AY MALAON NG NAGHAHANAP
SA PAGSAPIT NG DILIM SA LANDASING MABUWAY
IKAW LAMANG ANG NAIS KONG MAKANIIG HABANG NABUBUHAY
SAPAGKAT BATID KONG IKAW ANG LIWANAG NA MAKULAY
NA ANG PUSO'Y NAG-UUMAPAW ANG PAGSINTANG TUNAY
SA PAGNINIIG NA ITO'Y AKING IBIBIGAY
ANG LAHAT SA AKIN KAHIT KALIIT-LIITANG HIMAYMAY
UPANG MAIPAKITA SA IYONG AKO'Y NAGTITIWALANG MATIBAY
AT DI MAG-AALINLANGANG SA IYO'Y MAGPAALIPIN BUONG BUHAY
IKAW ANG SIYANG UMANGKIN SA AKING KAHUBARAN
HINDI PIPIGILAN, PAGPAPADAMA MO NG KALIGAYAHAN
SAANG DAKO MAN MAPADPAD, AKO'Y DALHIN SA KALUWALHATIAN
IKAW ANG SADYANG DI PIPIGILING LAGI NANG PAUNLAKAN
ANG ATING PAGNINIIG SANA AY HUWAG MAGPAALAM
SAPAGKAT WALANG PASUBALING SA IYO'Y LAGI NANG AASAM
KATAWANG ITO'Y LAGI NANG NAGHIHINTAY
SA ORAS AT SANDALI AKO SA IYO'Y MAGBABANTAY
ANG PAGNINIIG NA ITO'Y ISANG DAKILANG TANDA
NA AKO'Y MAY KAHULUGAN NA DI PAGWAWALANG BAHALA
NA ANG PAG-IBIG MO SA AKIN AY SAPAT NA
UPANG ANG MADAMA TUWINA AY TUNAY NA LIGAYA
Saturday, September 19, 2009
HAGKAN AKO SA AKING KAHUBARAN
Upang paglandasin ang hagod na maalam
At isigaw sa bulong ng katahimikan
Ang malaon nang damdaming inaasam...
Isa-isang panulayin sa aking balat
Yaring hiwaga ng haplos Mong banayad
Upang aking suklian ng matamis na tugon
Katawan ko'y IYO sa nasa Mong galaw...
Hagkan ako sa aking kahubaran
At lasapin ang damdaming umiiral
Sa siwang ng kawalang-malay
Ipinadama'y tuluyang pagpapaubaya...
Ikaw at ako'y sugpungan ng pangarap
Sinisiphayong tulad ng mayabong na bulaklak
Sa bango'y walang kaparis
Kundi ang dalisay na sariwang simoy sa batis...
Saliksikin ang kaigtingan ng aking kaganapan
Ipadamang ako'y sadyang may panghalina
Sinisiil ng bawat pagdampi ng Iyong mga labi
Sa nektar ng bumubukal na pagtatangi...
Samyuin ako habang may banayad na pandama
Sa kahubara'y malaya at tunay na
nagpapaubaya
Upang maangkin Mo ang sa IYO'y pag-aari na
Sa isang halik lang puso'y nanlalamig na...
Thursday, September 17, 2009
SINO NGA BA AKO?


Sino nga ba ako sa piling Mo sinta?
Sino nga ba ako sa pag-ibig Mong banal?
Lumbay at lungkot ang aking kapisan
Galit at muhi ang aking kayakap
Walang puwang ang pang-unawa at paglingap
Puso ay balot ng hinagpis at lumbay
Sa mundong hinulma ng mga pasakit
Nang mga taong pinagkatiwalaan ng loob
Buong buhay ay inalay ngunit ako ay binaboy
Ang kaluluwa ko'y nilugmok sa putikan
Sa burak ang pagkatao ko'y nabaon
Lahat sa aki'y naglaho pati pagkatao
Ako ay walang masuungan, walang maapuhap
Pag-asa ay hindi ko na maramdaman
Sa kabila nito ay patuloy Ka pa ring naghihintay
Inaantay na ako ay bumangon at Ika'y pakinggan
Yayakaping Iyong-iyo hanggang kaibuturan
Ipinadaramang ako ay mahalaga sa Iyo
Sino nga ba ako para sa Iyo?
Sino nga ba ako para magtanong?
Sino nga ba ako?
Wednesday, September 16, 2009
ISANG HILING

Sana'y malayang tugunin ang dakilang pag-aalay
Ihilig yaring aking pangako sa IYONG pagkabayubay
Ako'y maglalakbay na IKAW ay kaagapay,
Sapagkat wagas ang PAG-IBIG MO ang sa aki'y nakalaan...
Ako ay tutugon bagama't may kaba
Tunay na magpapatuloy sapagkat IKAW ang ligaya
Nawa'y tunay na magtagpo,kapwa nating puso
Upang sa pagsilay ng magandang bukas, IKAW ang kasuyo...
Samyuin ako sa talulot ng aking kahinaan,
Hagkan ang kalaliman ko sa sintang nilalaan
Ako'y handang tumugon ng walang pag-aalinlangan
Sapagkay batid kong KAPAYAPAAN ang hatid ng IYOng PANGALAN...
Siphayuin ako ng IYOng mabatid
Ang katotohanang sa IYO nanggagaling,
Sisidlan akong pinupuno ng IYOng paglingap
Kaya't sa himlayan ng pag-iisa, ako'y IYOng hanguin...
Salamat, salamat...sa isang paanyaya
Sa pagpapaunlak sa isang talinghaga
Na may rurok ang lahat nating paglalakbay
IKAW at ako'y magsasamang tunay sa isang landasing katiwasaya'y walang hangganan
SA KALALIMAN NG GABI
Doo'y sisilipin ang nagpupuyong damdamin
Pagniniig sa hiwaga ng kataksilang matamis
sa mundo ng kawalang malay, sisilay ang isang kaalaman
Isa-isang lalakbayin ng diwa ang mga pagbati
Sa munting daluyan ng aking kamuwangan
sisidlang kristal ang aking kaparis
Hindi mapaparam ang sikdo ng damdaming sa IYO'y tunay na paangkin
Lalandasin bawat kong laman
Iguhit sa pintalan ang hugis ng aking balat
Sa bawat pagbati ng IYOng mga labi
Dadaloy itong sa puso ko'y may pagpapaubaya
Kulimlim ang gabi at tila may bugso ng ulan
Sa pagpatak nito'y magtatampisaw tayong kapwa hubad sa katotohanan
IKAW at ako'y sadyang magkapalad
Sa pagsugpong ng diwa't kaluluwa sa landas ng katotohanan
Batid kong IKAW ang siyang papawi
Sa lumbay na kumukulong sa mapagpalayang pagniniig
Ang pag-angkin mo sa aki'y sisiphayuing maalab
Sapagkat kahulugan nito'y kabatirang ako'y ganap
Sa ating pagyayakap, pagsasaluha'y tamis ng PAG-IBIG
Sa gitna ng kabatirang ako'y walang kaalaman
Isa-isang landasin ng uhaw na labi ang himaymay ng aking laman
At doo'y masusumpungan akong lubos na nagpapaubaya
HAGKAN MO AKO SA AKING KAHUBARAN
Upang paglandasin ang hagod na maalam
At isigaw sa bulong ng katahimikan
Ang malaon ng damdaming inaasam...
Isa-isang panulayin sa aking balat
Yaring hiwaga ng haplos Mong banayad
Upang aking suklian ng matamis na tugon
Katawan ko'y IYO sa nasa Mong galaw
Hagkan ako sa aking kahubaran
At lasapin ang damdaming umiiral
Sa siwang ng kawalang-malay
Ipinadama'y tuluyang pagpapaubaya
Ikaw at ako'y sugpungan ng pangarap
Sinisiphayong tulad ng mayabong na bulaklak
Sa bango'y walang kaparis
Kundi ang dalisay na sariwang simoy sa batis
Saliksikin ang kaigtingan ng aking kaganapan
Ipadamang ako'y sadyang may panghalina
Sinisiil ng bawat pagdampi ng Iyong mga labi
Sa nektar ng bumubukal na pagtatangi
Samyuin ako habang may banayad na pandama
Sa kahubara'y malaya at tunay na nagpapaubaya
Upang maangkin Mo ang sa IYO'y pag-aari na
Sa isang halik lang puso'y nanlalamig na..
Monday, September 14, 2009
KWENTO KA NAMAN DYAN!

KAILANGAN PO BANG LAGING MAY EXPLANATION ANG LAHAT NG BAGAY? YUN PO BANG LAGING MAY KAAKIBAT NA SAGOT? KAILANGAN PO BA LAGING GINAGAMIT ANG UTAK SA MGA PANGYAYARI SA BUHAY? HINDI PO BA PWEDENG KWENTUHAN LAMANG O USAPANG MAKAKA-RELATE ANG BAWAT ISA?
BATID KO PONG HINDI AKO GANOON KATALINO NA LAHAT AY MAY SAGOT NA HINALAW PA SA KUNG SINO-SINONG SIKAT NA MANUNULAT, PILOSOPO AT MGA BABASAHIN. BASTA ANG ALAM KO LANG AY MARUNONG AKONG MAGMAHAL AT UMUNAWA. HINDI PO BA SAPAT NA YON? HINDI PO BA PWEDENG MABUHAY NA SIMPLE LANG. YUN PO BANG NAGMAMAHALAN AT NAGBIBIGAY NG LIGAYA ANG BAWAT ISA NA HINDI NA NANGANGAILANGANG MAGBANGGIT NG MGA NABASANG LIBRO O NAPAG-ARALAN? HINDI BA MAAARING PAG-USAPAN ANG BUHAY NA SIMPLE LANG? YUN BANG IBINABAHAGI ANG BUHAY DAHIL IYON ANG NARANASAN. ANG KARANASAN SA BUHAY ANG PANDAYAN NG ISANG PAGKATAO.
AKO KASI AY NANINIWALA NA ANG PINANGHAHAWAKAN LANG NG TAO AY ANG KANYANG KARANASAN...ANG KANYANG NAKARAAN...NA MGA KWENTONG MALALIM AT KAPUPULUTAN PA NG MGA ARAL...MABUTI MAN O MASAMA, PANGIT MAN O MAGANDA...ITO AY MGA PANGYAYARI PA RING LILIKHA NG MGA KWENTO NG TUNAY NA PAGHARAP SA BUHAY AT PAGTITIWALA SA PAG-ASA...HINDI KO KASI KAYA ANG MAKIPAGSABAYAN SA MGA KWENTONG HINDI KO NARANASAN AT PAWANG HINAHANGO LAMANG SA MGA KWENTONG NAPUPULOT SA LIBRO AT KARANASAN NG IBA...IKA NGA AY HANGGANG DOON LANG AKO...IYON LANG ANG MAKAKAYANAN KO...HINDI KO KAYANG MAGBIGAY NG WALA AKO...DOON AKO MASAYA...
SANA PO AY PAKINGGAN NAMAN AKO O SIYA O SILA O IKAW. YUNG SIMPLE LANG NA MGA KWENTUHAN NA NAGMUMULA SA PUSO AT HINDI MUNA GAGAMITIN ANG UTAK...SABI NGA NI ATE NORMIE AY HINDI NA RAW TAMANG SABIHING "TIME WILL HEAL OUR WOUNDS" KUNDI "LOVE WILL HEAL OUR WOUNDS". OO NGA, MAY SENSE. HINDI LANG PANAHON ANG MAKAPAGSASABING KAYA KONG MAGKWENTO NA NAGMUMULA SA PUSO KUNDI DAHIL SA PAG-IBIG. TANGING PAG-IBIG LAMANG ANG MAKAKAINTINDI SA LAHAT NG BAGAY.SANA SA BAWAT PAGKUKUWENTO AY NAROON ANG PAG-IBIG KASABAY NG PAKIKINIG NA MAY PAG-IBIG...MAARI TAYONG MAGSIMULANG MAGKWENTO...NGAYON!
KWENTO KA NAMAN DYAN, O!
Saturday, September 12, 2009
HANDA KA NA BA?



Let me sing to you the chorus of a song where I pondered my thoughts:
NASA TABI KO ANG PANGINOON Salmo 139
(Fr. Benny Justiniano)
Koro: Alam kong nasa tabi kita
Panginoon ko sa lahat ng oras
kamay mo ang s’yang nag-iingat sa ‘kin
di ko maabot karunungan mong angkin.
Dito ko po sisimulan ang dalawang kwento? Gaano po ba antin kakilala ang Diyos? Sino po ba ang Diyos sa ating buhay? HANDA NA BA KAYO?
Ang kwento po ay kwento ng isang ina at kwento ng isang ama.
Mayroong isang babae at isang lalaki na simple lang ang mga pangarap. Nagsisimba sila tuwing lingo at gumagampan sa kanilang tungkulin bilang Kristiyano. Ika nga ay walang maipipintas sa kanila. Tangi nilang hiling ay magkaroon ng asawa at mga anak na aarugain nila. Ang kanilang mga panalangin ay dinidig ng Diyos. Pinagkalooban sila kapwa ng mga asawang tinatangi. Anopa’t naging masaya ang kanilang mga pagsasama. Biniyayaan sila kapwa ng malulusog na supling. Walang pagsidlan ang kanilang kaligayahan. Puno ng pasasalamat sa Diyos ang kanilang puso. Sa pangyayaring ito’y mas lalong umigting ang kanilang pagkapit sa Diyos.
Isang araw, sa panahon ng kagampanan ng babae sa kanyang anak ay pumalaot ang kanyang asawa sa dagat upang mangisda. Kumabog ang kanyang dibdib sa balitang namatay ang kanyang asawa. Ayaw paniwalain ng kanyang isipan ang pangyayaring ito ngunit ang katotohanan ay kailangan niyang harapin. Tumingala siya sa langit at nanalangin. Habang ang mga luha’y nanunulay sa kanyang mata’y naiusal niya, “Panginoon, ano man po ang krus na aking dadalhin.Susunod ako sa iyo sapagkat di ko talos ang iyong karunungan.” Binuhay niya ang kanyang mga anak at tumayong ama at ina.
Gayun naman ang asawa ng lalaki ay nagkaroon ng cancer sa ovary. Nagtrabaho siya ng higit pa sa kaniyang kailangang gawain para kumita ng higit sa pangangailangan nila at para maihandog sa asawa ang lahat ng kanyang makakayanan. Anopa’t halos pasanin na niya ang mundo. Mga kabarkada niya ay halos kantiyawan na sya. Sa kabila nito ay patuloy pa rin siyang nagsisilbi sa simbahan at pagtalima sa paglilingkod. Namatay ang kanyang asawa at laking paghihinagpis niya. Sa pangyayaring ito ay naiusal niya, “Ano man ang mangyari ay patuloy pa rin akong mananalig sa iyo.” Binuhay niya ang kanyang mga anak at tumayong ama at ina.
Ito po ay mga kwento ng pagsunod sa Diyos. Mga kwento ng pagtalikdan sa sarili upang maging matatag sa hamon ng pagtalima sa Diyos. Sa hamon ng pagiging tunay na ama at ina. Ang tanong ay handa po ba tayo sa ganitong uri ng pagsunod? Handa po ba nating harapin ang hamon ng pagkilala sa Diyos na ating sinasamba? HANDA KA NA BA?
Kung pag-aaral nating mabuti ang mga pagbasa.Sinasalamin po ng unang pagbasa ang daranasin ng Mesiyas sa propesiya ni Propeta Isaias. Tila walang pagsisidlan ang dusang daranasin nito. Ang panlilibak at pang-aalipusta ng tao. Sa ebanghelyo naman ay ipinakilala si Hesus bilang Mesiyas at Anak ng Tao na magbabata ng ibayong hirap at pighati gayon na rin ang kamatayan para sa sala ng tao. At ang sinomang sa Kanya’y sumunod ay nangangailangang talikdan ang sarili at pasanin ang kanyang pamatok. Ipinapakita rin na ang pag-iisip ng Diyos ay hindi natin piho.
Ang ebanghelyo ay nagpapaalala sa atin kung paano natin dapat kilalanin ang Mesiyas. Sa pagtanggap natin sa Anak ng Tao ay pagtanggap rin sa kahihinatnan natin bilang mga tagasunod Niya. Hindi natin dapat sukatin ang paglilingkod at pagtalima sa Diyos sa abot ng ating isipan kundi sa kung ano ang nasa ng Diyos sa atin. HANDA BA nating harapin ang mga ito? Ang dalawang kwento ay pagsasalarawan ng buhay na pasan ang krus subalit nanatiling matatag dahil batid nila ang pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos. HANDA BA tayo? Sa na tulad din sa awitin ay kumapit tayo sa Diyos ng may pagtitiwala at kahandaan…At mabatid na nasa tabi natin ang Diyos…nagmamahal at kumakalinga…
KUNG AKO AY IIBIGIN MO

Kung ako ay iibigin Mo
Halughugin Mo ako sa siwang ng aking diwa
Taluntunin Mo ako hanggang lalim ng aking kaibuturan
At siyasatin ako sa hulmahan ng aking kahapon at ngayon
Kung ako ay iibigin MO
Higitan Mo ang pagkakalilok ng aking katawan
Sa mga sulyap kong nanunuot pilit sa langit Mong taglay
At siphayuin ako sa hiwaga ng aking lumbay
Kung hangad Mong ako ay ibigin
Languyin Mo ako hanggang sa aking himaymay
Bihagin Mo ako hanggang sa aking kaluluwa
Doo'y katagpuin ako sa aking pagpapubaya't walang kamuwangan
Isang pagsuyong lipos ng ligaya at tuwa
Malayang tulad sa pagaspas ng hangin ang pag-ibig Mo
Na may pagsasalong banal at dakila
Walang pagkukunwaring iaalay Mong lahat ito sa akin
Kung ako ay iibigin Mo
Ihahandog Mong lahat ang Iyong puso at dangal
Ako ang Iyong kaganapan at wala ng iba pa
Upang sabay tayong tutulay sa tula at awit ng PAG-iBig na wagas
Friday, September 11, 2009
ANG AKING LAHI





Pinanariwa ang pagkatao sa kanyang pinagmulan
Pinatitibay ang kalooban sa dugong pinagsaluhan
Bagamat may kahinaan sa marupok na sandaigdigan
Ang tahanan pa rin ang mukha ng aking katotohanan
Mga magulang at mga kapatid ay mga biyayang tunay
Sinasalamin ang kalooban at kaangkinang taglay
Hindi man hinulma sa nasang ibig na kulay
Ito pa rin ang dahilan ng pagpapatuloy ng buhay
Ang aking lahi, ang aking tahanan
Yurakan man at alipustahin ng mundong maalam
Patuloy ko pa ring ipagsisigawan kahit saanman
Minamahal ko ang lahing aking pinagmulan
I WILL CONTINUE MY JOURNEY BECAUSE I BELIEVE


When the dark has no end
When even a single shadow doesn’t show
I will continue my walk even if I experience pain
Because I believe that there is light at the end of it
When the desert is hot and no place to hide
When there is no water to quench my thirst
I will continue the journey till nowhere
Because I believe that there is a fountain of life in the midst of it
When the mountain is high and so hard to climb
When the treks are dangerous even if I use safety gadgets
I will continue what I had started and face all the risks
Because I believe that there is joy once I reach its peak
When the mountain is high and so hard to climb
When the treks are dangerous even if I use safety gadgets
I will continue what I had started and face all the risks
Because I believe that there is joy once I reach its peak
When the tide is high and no one dares to swim
When the depth of the ocean is inviting death
I will continue to search the mysteries beneath it
Because I believe that the world is wonderful the way it was created
When path to holiness is difficult to follow
When I choose that way, I will find abandonment
I will continue to move on even it is a crucial decision
Because I believe that REAL HAPPINESS is waiting for me at the end of the road
I will continue my life no matter how risky it is
Because I believe that there is Someone who loves me and will love me continuously
No matter how many times I failed
I will continue my journey because I believe in GOD!
SA PALAD MO, AMA!


Mahirap daw magkwento. Ang pagkukwento ang isang bagay na napakirap gawin sapagkat iba-iba ang mga nagiging reaksyon ng tao. May naniniwala, nanghuhusga at nanlilibak. Sa kabila nito ay gusto ko pa ring ikuwento ang aking buhay. Maaring kapulutan ng aral at maaring pagtawanan. Sabi nga ng isang paring Karmelita na si Fr. Anton Hooglan, “Your life is so boring!”. Boring man na matatawag ay gusto ko pa ring magbahagi. Ito ang isa sa nagbibigay sa akin ng inspirasyon para magpatuloy mabuhay at manalig sa Diyos. Sabi ko nga sa tula ko:
“No matter how many times I failed, I will always continue my journey because I believe in God.”
Pananalig lang ang tanging pag-asa para harapin ang lahat ng pangyuyurak ng mundo. Di ko alam kung sanaysay o talambuhay itong aking ginagawa pero dito pumapaloob ang kasaysayan ng aking buhay ng tahakin ko ang landas ng pagpapakabanal.
Ibig kong iparating na hindi ako galing sa mayamang angkan, ang tangi ko lang yaman ay ang maging totoo sa aking sarili at sa kwento ng aking buhay. Ito ang nagmulat sa akin upang harapin ang hamon ng Diyos sa pagpapahatid ng kanyang mabuting balita sa iba. Ika nga ay ginagamit ko ang aking kwento upang magbigay ng saya at pag-asa sa iba.
Wala akong gaanong kaibigan kung tutuusin. Mabibilang nga sa daliri kung sino-sino sila pero ang higit sa mga kaibigan kong ito ay ang aking madalas na hinihingahan ng sama ng loob. Sa Kanya ako nagbubuhos ng aking panahon. Kadalasan nga ay Siya ang madalas kong pag-alayan ng aking mga tula. Pero kadalasan ay pinagtatawanan ako dahil masyado raw erotic o dili kaya’y maramdamin at tila ba naghahanap ng kasuyo. Nag-aalimpuyo sa aking dibdib ang pagnanasang isatinig aking damdamin ngunit tila ang kapaligira’y hindi sumasang-ayon dito. Lagi na lang ata akong nadarapa sa pagsunod sa Kanya. Lampa ata ako o masyado atang mabuway ang aking tinutungtungan ngunit batid ko na sa bawat oras at sandali ay naroroon ang Diyos sa aking tabi. Sa maniwala kayo sa hindi ay ito ang kwento ko.
Wala akong balak pumasok sa buhay relihiyoso. Kung tutuusin nga ay takot ako sa mga pari at madre kasi pakiramdam ko ay ang babanal nila at ako ay hindi man lang karapat-dapat na mapalapit sa kanila. Ang tangi ko lamang konswelo ay ang pakikinig ng banal na Misa tuwing Miyerkoles, Biyernes at Linggo. Ang mga araw na ito ang nagpapasigla sa akin. Biro mo ba naman! Ako ay nabibilang sa isa sa magulo na atang pamilya sa Pilipinas. Halos mga kapatid kong lalaki ay lasingero at ang tatay ko ay halos sunog na ata ang baga sa kakainom. Samahan pa ng mga basag-ulo at pakikipagrambolan. Hay! Si tatay nga nakulong pa sa salang pagpatay. Tapos tatlo sa mga kapatid ko ay nakulong din sa pakikisama sa rambolan. Hay uli! Tapos, sasamahan pa ng awayan sa bahay. Sabi ko nga, “ang swerte naman ng pamilya ko!” hay, swerte talaga. At least, gumagalaw pa rin ang Diyos sa aming buhay kasi nalalagpasan naman naming lahat ng iyon.